Chapter 12

128 34 21
                                    

AWKWARD. One word. Pero madaming kahulugan.

Awkward #1 - Nakita mo yung crush mo sa mall.
Awkward #2- Nakakapit ka sa bestfriend mong bakla.
Awkward # 3- Hindi alam ng crush mo na ang bestfriend mo ay bakla.

Yun. All of the above awkward moments. Right now.

"Ah, Hi Ben! This is Jec my-"

"Manliligaw nya pare"

WHAT THE -.- ANONG NANGYARI?

1. Si Jec naging lalaki ang boses.
2. OA nya akong inakbayan, Nakakadiri na.
3. 'Yung sinabi nyang nililigawan nya ko. Bitch please. Alam ko iniisip ng baklang 'to.

"What! Jec-"
"NO. Stop it grim. Kahit di ka pa pumapayag liligawan kita"
Di ko pinansin si Jec, nilingon ko si Ben.

"Ben! Wait!"
Wala na. Umalis na. Umalis na yung pinapangarap ko. Kung nakakapatay lang ang titig ko ngayon kanina pa nasa impyerno si Jec.

Sa badtrip ko umuwi na ako iniwan ko si Jec aa mall. Hayop na 'yun.

Bakit bigla nalang nagalit si Ben. Hindi nya ba muna ako hihintaying mag paliwanag? Bakit ano mo ba sta Grim?

"HAHAHAHAHA! Grabe Grim! Ang pogi pala nun! Gravity! Tiklop ang beauty ko! Buti gumana yung plano ko!"
At tumawa nanaman syang parang demonyo.

Hindi ko parin sya pinapansin. Sasakalin ko na ' to si Jec. Ang bilis namang makauwi nito.

"At teh! Alam mo ba! Muntik ko ng hipuin yung muscles nya! Yummmmeh!"

Papatayin ko talaga tong kutong lupa na 'to.

"My gosh! Kung hindi lang kita sistah! Inagaw ko na yun sayo!"

Uminom sya ng tubig at iniisip ko na kung paano sya lulunurin sa baso.

"Leche kang bakla ka! Pinagselos mo na nga eh! Wala na... Wala na. !"

Tumayo ako at nag papapadyak na parang bata. Parang tanga lang kasi talaga yung ginawa nya! Alam kong bff ko 'to. Since birth alam nya namang never ako nagkagusto sa kahit kanino!

Ayaw nya nga akong ipadikit sa mga tropa nyang payatot kesa alam nya daw na hindi sila papantay sa beauty ko eh bakit nya sinasabotahe yung kalandian ko ngayon?

"Ay, O.A LANG GRIM? Dapat nga magpasalamat ka sa akin eh"

Sinakal ko na sya ng very slight. Napaubo naman si gaga. Hinablot nya naman yung buhok ko.

"Bakit naman aber? Gago ka talaga! Wala ng papatol sa akin na ganun!"

Tumayo ako. Dinescribe ko sa mukha nya yung nararamdaman ko.

"Ang pogi nya Jec! Ang bango bango pa, nakita mo yung labi nya? Ang pula diba! Hindi mo manlang hinintay na halikan ko sya bago mo pinagtripan?"

Alam kong trip trip nya lang talaga yung sitwasyon namin sa mall. Ganyan 'yan kapag may umaaligid sa akin. Pinagseselos nya at lahat ng mga lalaking 'yun ay hindi na nagparamdam.

Maganda naman ako, oo ang dami ngang nanliligaw sa akin kaso mga mukhang ewan at tinatakot nga ng baklang 'to!

"Shunga! Nagselos sya Grim. Nagselos! Ibig sabihin, gusto ka nya girl!"

Sinakal nya narin ako. Peste mapapatay ko talaga 'tong bakla na 'to!

"Bwiset ka! Hindi yun magseselos! Galit siguro oo! Bakit mo kasi sinabi yun?"

Hinihingal na ako. Napaupo kami ni Jec.

"Grim, test 'yun ano ka ba, I saw it with my two beautiful eyes that jealousy sa mga mata nya!"

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi nga?"
"Yes girl! Makainarte ka dyan, Ganda ka?"

Binato ko sya ng tsinelas ko.

"Girl, kapag hindi na sya nagparamdam katulad nung mga lalaki dati na tinakot ko edi hindi kayo meant to be!"

Napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga naman, kung natapakan yung ego nya dahil kay Jec, well good bye na! Ganda ko kaya.

"'Wag ka ng malungkot. Kung sa next birthday mo eh single ka parin sige papayag na kong ligawan ka ni O.J"

Masama ko syang tiningnan.

"Gusto mong mamatay agad ako sa hininga nun?"

Napatawa nalang kami ng malakas at nagluto ng pancit canton. Magnakaw kaya ako ng milktea sa WC headquarters?

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon