Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Go Grimmie! Kailangan mo ng pera dahil hindi ka mayaman!
Kumatok na ako sa pintuan."Come in" Boses yun ng future boss ko! Aja Grimmie!
"Ahm, Goodmorning Ma'am"
Ang ganda ng office nya.. halatang President talaga ng isang sikat at malaking company. Sana sa future mag karoon din ako ng ganito. Char!
Ang ganda rin ni boss. Parang pamilyar sya sa akin? Aha! Parang model sya! Tama! Naku. Lamang lang sya ng 2 paligo sa akin eh.
"Please, sit down." Nakangiti sya.
Pagkatapos kong umupo, inabot ko sa kanya 'yung Resume ko.
Binasa nya ito, then smiled.
"You're hired"
Huh?
"Ah? Pardon Ma'am?" Tama ba yung narinig ko?
"I said, you're hired. You may start tomorrow"
Totoo? Baka marami syang work at need nya na talaga ng secretary. Agad agad talaga? Ang ganda ko talaga.
"Really po?"
Shemay. Di parin ako makapaniwala! Ganun ba kaganda ang resume ko at tinanggap agad ako?
She just smiled. Again. Parang ang hilig naman nyang mag smile. Pinapakita nya ba sa akin yung perfect picture smile nya?
"Oh my gosh! Thank you so much Ma'am!"
"You're welcome. Grimmie"
Hindi ako makapaniwalang nagpaalam na sa boss ko. Mala anghel yung mukha nya pati yung ugali nya. Bagay sakanya yung name nya na Angel.
Yes! Muntik pa akong mapatalon sa labas ng office nya. Sorry ah, hindi lang ako makapaniwala eh. Walang kahirap hirap!
"Ma'am? Kamusta? Natanggap kayo?
Si ateng nasa front desk talaga chismosa kahit kailan.
"Yes! Thank you! See you tomorrow!"
Paglabas ko ng AOC Building, sumayaw sayaw pa ako, May raket na din ako. Kahit, hindi kasing laki ang sahod parang sa W.C, atleast hindi delikado at kampante ang puso ko.
Sasakay na sana ako ng taxi nang may nakita akong magandang sasakyan na pamilyar sakin. Nag park ito sa tapat ng AOC Building.
OH MY G. Bakit sya nandito? Tatakbo ba ako? Tatalikod? Saan ako pupunta?
"Grimmie?"
May glue ata 'yung floor, hindi ako nakagalaw eh.
"Hi Ben! Why are you here?"
Ang awkward. Hindi na kami nakapag usap diba?
"May meeting lang ako. How about you?"
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na magtratrabaho ako dito.
"Ah eh naki cr lang ako. O sige, bye!"
Tumakbo na agad ako at lumingon sa isang kalye. Punyeta hindi ako makapag isip ng mabuti kapag katapat ko sya.
Bakit sya nandun? At ang pogi nya pa! Naka suit and tie sya, na hapit sa katawan nya with slacks and black shoes. Naka ayos rin 'yung buhok nya at naka prescription glasses. Fave look ko na sakanya 'yung corporate attire.
Amputa! Nagulat ako nang may tumisod sa akin. Hindi ko 'yun napansin ah. Napatingin ako sa tuhod ko at may sugat na ito. Ang sakit!
Napatingin ako sa tumisod. Kung sine-swerte nga naman. Si kuyang dragon pa na manyakis sa jeep.
"Ang bilis mo naman magtrabaho miss"
So inabangan nya ako? Kapal ng mukha.
Inalala ko kung nadala ko 'yung swiss knife ko.
"Argh!"
Sinabunutan nya ako patayo.
"Ang ganda at ang bango mo miss beautiful!"
Lumapit sya sa akin at halos maduling ako sa hininga nya. Nakakbadtrip.
Hinawakan ko yung kamay nya nakasabunot sa akin at siniko sya ng malakas sa ilong. Napaatras sya at napahawak sa mukha nya. Kapal ng mukha hindi dumugo!
Masama ang tingin ni dragon sa akin nang may kinuha sya sa likod nya.
Pang taga.
Butcher ba ito sa palengke? Bakit ganyan 'yung dala nya?
"Gagawin kitang porck chop pagkatapos kitang pag sawaan!"
Kadiri! Kinapa ko yung swiss knife sa bewang ko. Namutla ako.
Hindi na ako nakapag isip at tumakbo na. Masyado syang malaki at may saltik para makipaglaban ako sakanya.
Hindi pa ako nakakalayo nang sinabunutan nya ako. Mahirap pala talaga ang may mahabang buhok.
"Aaaaaah! Tangina"
Kinaladkad nya ako patalikod. Tumalon ako at buong lakas na sinipa sya sa pinaka masakit na parte.
Hindi sya umaray.
"Hahahahaha! Ready ako dyan miss beautiful!"
Hinubad nya yung pantalon nya at pinakitang may karton sa may shorts nya. Kaya pala hindi nasaktan. May shield!
Think, Grim! Pero 'yun na yung last choice ko para makatakbo ako!
"Kuya! May pulis doon oh!"
"Saan?"
Bobo.
Napalingon sya sa may likuran nya at kinuha ko yung kahoy sa tabi ko at buong lakas na hinampas sa ulo nya.
"Anong-"
Nahawakan nya 'yung kahoy. Puta. Ang talinong dragon!
"Anong akala mo sa akin? Walang utak?"
Oo gago.
Hinambalos nya yung kahoy at dahil nakahawak parin ako dun nadala narin ako. Napahampas ako sa wall ng very slight lang pero sumakit yung tagiliran ko.
Nabitawan ko yung kahoy. Tatayo na sana ako nang nakita kong hahampasin nya ako sa ulo.
Pikit matang itinaas ko nalang yung dalawa kong kamay panangga sa ulo ko.
Pero wala akong naramdaman. Dinilat ko 'yung mga mata ko.
"Touch her again, and you're dead"
Matalim ang titig ni Ben kay dragon.
Hinila ni Ben pataas si dragon na parang papel lang. May kinislot sya sa leeg nito at bigla nalang lumaylay yung ulo nya. Tinapon nya ito sa isang gilid.Lumapit sya sa akin. Bakit ang tagal nya naman akong hanapin! Ang sakit ng anit ko punyeta.
"Are you in pain?"
Namumuo na yung luha sa mga mata ko.
"Hey, saan 'yung masakit? Where? Tell me!"
Hinila nya ako at niyakap. Umiyak na ako ng tuluyan. Hindi ko pala kaya lahat. May makakatapat parin pala talaga ako.
"Is he dead?"
Lumayo ako kay Ben at tumayo.
"No"
Tumingin ako kay dragon at nakitang parang tulog ang gago. Nilapitan ko sya at sinipa.
"Hinayupak kang manyakis ka!"
Mamatay na lahat ng manyakis sa mundo.
A/N
Dedicated to CheNi_ICo ! Please read her story too. Astig! #MyAssassinGirlfriend
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...