Minsan lang ako gumawa ng desisyon sa buhay. Kumbaga, wala akong self-confidence.
Example: Pinapasali ako dati sa Varsity ng school namin volleyball, anong ginawa ko? Tinanggihan ko.
- Inalok ako maging Muse ng University namin, Tinanggihan ko.
- Sumali sa isang singing contest di ko ginawa.
- And lastly, sagutin ang mga text na ganito:"Grim, please. Talk to me"
"Grim, I'll explain"
"Hey Grim, Hindi totoo lahat ng sinabi ko."
"I love you Grim. Seriously."Lahat 'yan galing kay Ben. Maganda parin pala talaga ako.
"Grimmie naman! Replyan mo na yung tao kawawa naman!"
Kanina pa ako tulala dito sa may lamesa.
"Jelson! Hindi pwede! Diba nga sya 'yung target ko?"
Simula nang pinaliwanag na sa akin ang lahat, nalaman kong si Ben nga ang target at isa sa mga mortal na kaaway ng W.C, pinilit ko ang sarili ko na isara na si Ben sa buhay ko. Lalo na sa puso ko.
"Eh ano naman? Mahal mo yung tao, di mo ba sya ipaglalaban?"
Ang kulit talaga nitong bakla na 'to. Parang dati lang sya pa yung nangungulit sa akin na tigilan na si Ben.
"Paglalaban? Jec! Oo, mahal ko sya, pero di ko kaya kung ako rin ang papatay sakanya."
Paano kung yung next mission ko is to kill him? Hindi ko kaya!
"Grimmie, sure ka bang tama ang lahat ng kwento sayo ng W.C?"
Napatingin ako sakanya. Seryoso nanaman sya. Kapag seryoso sya maayos syang kausap diba. Parang sinasapian sya ng mahiwag bertud sa mga oras na ganito.
"Bakit di mo muna pakinggan ang side nila Ben?"
Umiling agad ako.
"Why should I?"
"Why should I?" Ginaya pa ako ng bakla
"Ano, naduduwag ka nanaman? My gosh! Grimmie! You know, sa buong buhay mo wala kang pinaninindigan na desisyon! I want you to be happy! So please. Fight for it. Fight for your love! Kasi kung hindi, ako mismo ang lalapa sa Ben na 'yon, sige ka"
Gaga talaga 'to si Jec. Natameme ako sa sinabi nya Pero, tama sya. Kapag seryoso talaga si Jec, may napapala ako dito eh.
Pero paano yung W.C? Hindi ko pwedeng ipaalam sakanila ang gagawin ko.
Avoid complications.
General rule. Kapag pinaalam ko sakanila baka magkagulo lalo. I need to do this on my own.
"Ano iniisip mo girl? Tawagin ko na ba si OJ para kahit panakip butas lang eh maka move on ka?
"Tanga. Sa ganda kong 'to. Pang Ben ang level ng mukhang 'to!" Tumayo na ako at nag unat. Parang bumabalik na yung puso ko sa pagtibok.
"That's my girl! Ganda ka?"
Tumatawa na kami ni Jec.
Hinanap ko yung bulok kong cellphone. Nabasa ko nanaman yung mga texts nya. Tinadtad nya rin ako ng call. Sana all may load.
Lumabas muna ako saglit at nagpaload sa tindahan ni Aling Eva. Rich tanders talaga 'to sya lang may tindahan dito sa eskinita namin eh.
"Aling Eva paload nga po ako, 10 pesos lang sa Globe"
"Anong number mo ganda?" Ay biglang bumaho.
Nilingon ko si OJ na nasa tabi ko nanaman. Bakit hindi ko marinig kung papalapit na sya sa akin? Sabagay parang papel lang yung katawan kasi. Binubuhat lang ng hangin.
"Gusto mong mawalan ng gilagid? Umalis ka tabi ko baka hindi kita matantya" Masipa kita sa ngala ngala.
"Ang sungit. May dalaw siguro" Naririnig ko pang bumubulong bulong si payatot habang naglalakad palayo.
Binigay ko na kay Aling Eva ang number ko at naloadan nya naman agad iyon.
"Broken hearted ka Grim?"
"Po? Ay, hindi ho!"
Akala ko tsimosa lang si Aling Eva, manghuhula rin pala.
"Namamaga kasi mga mata mo. Break na kayo ng papable mo? Bigay mo sa akin yung number dali!"
Fokfok rin pala.
Umuwi na ako at tinext si Ben.
"EW 7pm tonight. Usap tayo."
Nagreply sya agad. Mukhang inaabangan talaga ako ah? Ganda ka Grim?
"Can I call?"
Call agad ang bilis talaga neto kaya gustong patayin ni Anna eh. I turned off my phone and then nagbihis na ako at nagready ng mga dadalhin ko mamaya.
I know mag uusap lang kami pero I need all my strength para hindi ako umiyak o magmukhang inlove na inlove sakanya. May pride parin naman ako mga sizt!
Ano kayang magandang suotin? Skirt or pants? Maglip tint or may pa shadow ang mata? Arte!
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...