Chapter 26

80 23 13
                                    

"Girl, kumain ka na"

Si Jec nanaman. Kapag talaga may iniisip ako, lagi ' 'tong sumusulpot!

Pagkatapos ng nangyari kagabi, hinatid na agad ako ni Ben sa apartment. Tumawag muna sya ng pulis at dumating yung isa nyang kaibigan yung Earl ata yung name. Naka pulis syang uniform. Nag usap sila ni Ben pero hindi na ako nakinig. Pumipintig yung anit ko resulta ng pananabunot sa akin ni dragon.

Pagkarating namin sa apartment ay tuloy tuloy na ako sa kwarto at nagpahinga. Hindi ko na nakausap si Ben. Hindi manlang ako nakapag pasalamat.

"Jec.. Bakit sya nandun?"

Nagtataka parin ako kung bakit nasa AOC building si Ben.

"Aba ma! Malay mo nag apply rin! Gusto maging security guard?"

Lechugas. Napatingin ako kay Jec.

"Shunga! Kayang kaya nun bilhin buhay mo"

Alangan namang nag aaply rin sya? Aba! Abusado sya. Mag aaply rin sya maging secretary? Pano na yung business nya? Jusko baka agawan nya pa ako ng pwesto. Gaya gaya talaga 'yun.

"Malay mo lang. O sya, tulog na tayo girl maaga ka pa bukas"

Bakit kaya si ang pogi pogi ni Ben kapag naka formal suit? Nung nakita ko sya kanina muntik ko na syang sunggaban!

Iniimagine ko lang yung mukha ni Ben nang nakatulog na ako.

"Grimmie may sunog!"

Napabalikwas agad ako.

"Ano? Saan? Pucha tumawag ka ng ambulansya bilis!"

Hindi na ako ako magkanda ugaga sa bangon. Ano yung unang sasagipin ko sa sunog? Yung katawan ko ba or mga gamit ko? Wala pang nakakatikim sa katawan ko kaya ito na sasagipin ko!

Hinila ko si Jec palabas ng kwarto. Ngunit tumatawa lang sya.

"Hahaha! Ambulansya, Grimmie? Yung totoo? Eh sunog nga eh! Shunga mo talaga!"

Ay lecheng fried bakla na to.
Kaya pala wala naman akong naamoy na usok!

"Hayop ka talaga!"

Sinabunutan ko sya.

"Kasi naman! Di ka magising! Eh male-late ka na!"

Shems! First Day ko sa raket ko! Buti half day lang class ko today.

Naligo at nag ayos na ako pagkatapos ay dali dali akong pumasok sa school. Nagbigay lang naman ng mga guidelines para sa demo teaching.

Tumuloy na ako sa AOC at first day ko ngayon maging secretary! Syempre nag make up ako ng very slight.
Nakasuot ako ng pencil skirt and white blouse. Simple lang pero alam ko maganda ako.

"Goodmorning Ma'am!"

"Morning Nancy!"

Nancy ang pangalan ni ateng chismakers na nasa front desk.

Pumunta na agad ako sa office ni Ma'am Angel.

"Goodmorning Ma'am!"

"Morning Grimmie, please prepare food for our board meeting later"

Napatingin ako kay Ma'am Angel, naka dress sya na super hapit sa katawan nya. Tapos naka coat. Ang payat nya lang. Parang mga 25 kgs lang sya.

"Sige po ma'am!" Pabibo kong sabi.

Jusko naman. Board meeting agad?

"Grimmie, please no shrimps ah! Kasi yung isang business partner ko is allergic dyan" She smiled.

"Noted Ma'am"

Pupunta na ako sa pantry nang may nabunggo ako.

"Shit! Im sorry, Are you ok miss?"

That voice. Tumigil ata ang puso ko at nagrambol ang isip ko.

A/N
Dedicated to fatii_maii !!

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon