Chapter 24

110 25 23
                                    

Wala na akong natatanggap na mission galing sa W.C. Bakit? Eh kasi naman, yung mga tinatarget nila, eh naging forever na ata nila. WALANG POREBER! LECHE!

Dahil wala na nga akong raket, naghanap ako ng bagong mapapasukan.

"Girl, eto oh Wanted: Secretary. Oh, pasok ka ditey!"

Secretary? Pwede na rin. Kayang kaya ko 'yon.

"Patingin nga, ah sa Ortigas lang pala. Sige go!"

Kasalukuyang naghahanap kami ni Jec sa jobstreet.com at puro call center ang nakikita ko. Ayaw ko na mag call center agent. Gusto ko iba naman. Katulad ng nakita ni bakla, try ko maging secretary. Tutal ilang buwan nalang naman din, Graduate na ako. Magiging Teacher na ako.

Nakatayo na ko dito sa AOC Building. Ang pagkaka-alam ko, kapag nakapasa ako sa interview ay tanggap na agad ako maging secretary ng President ng company na ito.

Nakapasa agad ako sa online application at may schedule na ako ng interview.

Kaya kinabukasan, nag ayos talaga ako ng bongga. Naka pencil skirt at white long sleeves ako na may ruffles pa sa sleeve. Nag polbo ako at liptint. Pinlantsa ko rin yung buhok ko para super straight. Tumingin ako sa salamin.

Ganda ko talaga.

Naglakad na ako palabas ng eskenita namin. Dahil maaga pa tulog pa yung mga tambay.

Nag abang ako ng jeep at sumakay na. Malapit lang naman yung AOC building kung saan ako may interview.

Hindi naman masikip yung jeep kaya napanatag naman yung loob ko. Ayoko kasi makipagsiksikan. Parang ako lang, ayokong isiksik 'yung sarili ko sa taong ayaw sa akin.

Nagulat ako nang may tumabi sa akin. Amoy sigarilyo. Tumingin ako sa tapat ko, ang dami pang space bakit hindi doon umupo itong smoke belcher na ito at sumiksik pa sa akin?

Tumikhim ako umusog. Dumikit ulit sya sa akin.

Tiningnan ko na sya ng masama. Tumawa ang gago. Ang itim ng ngipin. Kapag Christmas gusto ko syang regaluhan ng muriatic acid, pangmumog nya baka pumiti yung ngipin nya.

Napansin kong may tatoo na dragon sa may leeg nya. Mukhang galing bilibid.

"Para ho!"

Bumaba na ako. Wala ako sa mood makipag away ngayon. Tumingin ako sa likod ko at napadasal nang walang sumusunod sa akin. Nag spray muna ako ng cologne at pumasok na sa mataas na bulding sa tapat ko.

"Goodmorning Miss! Im here for the Interview" Todo ang ngiti ko kay ateng na nasa front desk.

"Ok ma'am, this way please"

Pag-akyat namin sa HR Department, wala akong nakitang mga babae na todo sa make-up, todo ang foundation sa mukha na akala mo eh foundation day ng taon, wala rin akong makitang mga babae na kung maka dress eh akala mo a-attend ng debut or kasal. In short, wala ako nakitang kasabay na mag aaply rin. Weird.

"Ahm Miss? Ako lang mag-aaply?"
Jusko ah. Kapag ito scam, naku po, malilintikan sa akin si bakla.

"Ay Ma'am ikaw kasi ang pinaka unang nag apply. Kahapon lang kasi pinaalis ni Ma'am yung Secretary nya, nagtataka nga ako kung bakit eh, 5 Years nya ng secretary 'yun"

Ay.. Chismakers din itong si ate. Daming Information! Well.. Nakakapagtaka nga naman yun. Baka kaya pinaalis kasi..

1. Inagaw ang Jowa/Asawa ng boss?

2. Masyadong chismosa katulad ni Ate?

3. May masamang hangin ang lumalabas sa katawan neto?

Juicecolored! Ano bang iniisip ko-

"Ma'am, yung President nalang daw ang mag iinterview sainyo, naku Ma'am! for sure pasok kayo nyan. Just turn right then yung pintuan nya po may sign na President, Goodluck Ma'am!"

Ano daw? Bakit President agad? Naku po. Tumigil ako sa isang malaki at sosyal na pintuan na may nakasulat sa sign na: Angel Olivia Calay- President.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon