"Class, this is your last day for this sem. So, goodluck sa 4th year! Alam kong gragraduate kayong lahat"
Parang ihip lang ng hangin dumaloy ang aming last sem. Super busy ako sa reportings, demo teachings na hindi ko na naisip ang mission ko sa WC.
Naintindihan naman ng WC na need ko mag focus muna sa studies since graduating na ako.
Nakapag tataka nga lang na hindi nila ina-update yung mission ko. Kampante siguro sila na after I graduate, focus naman ako sa mission na hanapin yang lintik na Ben G. na 'yan.
Naisip ko nanaman si Ben, kamusta na kaya sya? Hindi ko na sya nakita pagkatapos nya ako ihatid sa apartment.
Dapat pala sinunod ko na si Jec na tinanong ko na lahat tungkol sakanya, pati number nya sana!
Nagliligpit na ako ng mga gamit ko nang biglang nagsitakbuhan yung mga ang mga babaeng estudyante palabas ng classroom. Pati sa hallway may mga nagtutulakan.
May earthquake ba? Di ko nafeel.
"Hey! What's wrong?" Syempre chismosa ako, lumabas narin ako.
"Girrrrl! May lalaking pogi-gwapo-hot na nasa gate ng school!"
Ano naman? Tiningnan ko yung likuran nya kung may kumikiliti sakanya. Kasi parang meron.
"Uh huh? Really? Bakit nagkakagulo dito? Eh lalaki lang pala yon!"
Naglakad na ako palabas ng building, rinig ko na mga tilian ng mga mahaharot na babae dito.
"Nakooo girl! Laki kaya ng pwet nya! Sooooo hotttt!!!"
Gross. Ano ba yan. Para sa lalaki lang.
Palabas na ako ng school nang maaninag ko ang kotse na kapareha ng kotseng naghatid sa akin sa apartment nung pumunta ako sa bar. Bumilis yung tibok ng puso ko.
Tumingin ako banda doon, Si Ben yon? Anak ng! ang hot nya nga. Makikita mo sa face nya ang inis sa mga babaeng nakapalibot sakanya. Tumalikod na ako kasi ayaw kong makita nya ako.
Hindi ako ready today. Hindi ako nakapag polbo at liptint.
"GRIMMIE!!!!!!!!!!"
The heck. Boses palang. Sigaw palang ni Hairish na kaibigan ko alam kong umabot sa France at alam kong narinig 'yon ni Ben.
"Grimmie! Wait, nyeta guess what! Dean lister ka ulit!"
Okay, yun lang pala sasabihin nya pwede nya naman akong i-text! Kailangan nya pa bang ipagsigawan 'yung pangalan ko?
"Ah wow.. Thanks Hairish! Pero sorry, nagmamadali kasi ako" Naglakad na ako paalis.
"Wait grim!"
May humawak sa braso ko. Mainit, electricity, shock, at kilala ko kung kaninong kamay 'yon.
"Hey wait"
Damn. That voice."Ay, Hi Ben! Sorry, may project pa kasi akong gagawin eh"
Lumingon ako sakanya. Naka white T-shirt sya and cargo pants with nike shoes and suot ang rayban na shades. Oo na ganun kabilis ang mga mata ko sa gwapo.
"Project? Last day ng sem?"
Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin. Ayoko muna lumapit sa kanya dahil hindi maalis sa isip ko na Ben ang pangalan nya!
"Yup! meron pa kasi akong hindi pinapasa eh"
Nagsimula na ulit akong maglakad. Nag peace sign pa ako sa kanya.
"Are you avoiding me?"
Naglakad na rin sya akin palapit sa akin. Ang kulit talaga!
"No! Of course not! Why should I?"
"Baka kasi afjsnekdofnt"Ano daw? Hina naman ng boses nito. Saktong may dumaan pang eroplano! Ano daw?
"What?"
"Nevermind. I'll wait you here. Hanggang matapos ka"
He removed his shades. I saw his brown eyes piercing at me. Natutunaw ako. Ang init kaya dito sa labas! Dumagdag pa sya.
"Ah sige na nga next time nalang project ko. Bakit ka pala nandito?"
Ayoko sa lahat 'yung may makakapal na kilay, mahahabang pilik mata at magagandang mga mata ang tumititig sa akin. Hindi ko kaya.
"To pick you up?" Hala everyday nya na ba akong susunduin? Bakit ngayon lang? Wala na kaming klase!
"Pick me up? Why? Hindi kita service"
"But I'm your friend right?"Friend. Friends na kami?
"Ah friend, right. "
Gahdddd eto nanaman. Shushunga nanaman ako sakanya.
A/N
Dedicated to Ms. Hairish! ilabreeizzh miss you girl! :))
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...