Love me like you do
La- love me like you do ooohhhhYeahhh kailan ko kaya sasagutin si Ben? Hihihi eme. Kenekeleg eke.
"Grim, nakita mo ba yung sando ko?"
Pero gusto ko patagalin ko pa yung panliligaw nya sa akin. Para hindi naman halatang gustong gusto ko sya diba?
"Girl, yung sando ko, nawawala"
Pero gusto ko na syang yakapin at halikan eh! Mwaaaa-
"Pucha Grimmie!"
"Ay! Mwa mwa! Ano ba jec! Bakit ka ba sumisigaw dyan bigla! Jusko 'tong bakla na ' to"
Nagiimagine pa ako dito eh. Panira talaga ng moment of truth.
"Hitad ka! Kanina pa ako dada ng dada dito! Wapakels ang beauty ko!"
Meron ba? Gusto ko sanang galitin pa sya ng bongga.
"Pota ka. Kitang nag de-daydream ako dito!"
"Sino nanaman? Si Ben nalang lagi?"
"Naman! Sino pa ba? 'Yun lang naman ang pumatol sakin ah!"
NBSB ako. Yes. Sa 20 years of my existence here on Earth wala talaga akong nagustuhan na ganito. Never tumibok ang puso ko para sa lalaking titigan lang ako eh parang may kung ano na sa puso ko. Kay Ben lang.
"Kyeme mo! Sya ang target mo Grimmie. Tandaan mo yan. Please. Ayokong makita kang nasasaktan"
Seryoso na talaga sya. Minsan lang makausap si Jec na matino kaya nagulat ako.
"I know. But paano kung hindi sya 'yon? Paano kung hindi naman sya yung target ko? I will risk it Jec. I will risk it for him. Kasi iba ang nararamdaman ko Jec"
Hindi rin maalis sa isip ko na Ben ang pangalan nya. Ilang beses ko naring tinanong ang WC at wala naman silang sinasabi sa akin kundi, very good daw ako.
Marami kasi akong report tungkol kay Ben G. Dahil tambay ako sa Underground pate sa EW, nakakausap ko yung mga lalaking may pangalang Ben doon, pero never nila sinabi sa akin kung sino ba dun yung target ko!
Lumipas ang tatlong buwan, nanliligaw parin si Ben -GOOD NEWS- Bad news? Hindi ko parin alam surname nya. Yes. Tinatanong ko sya lagi pero nag iiba ang aura nya tuwing natatanong ko sya.
Parang ayaw na ayaw nya sa apelyido nya.
Ang sabi nya naman wag ako mag-alala dahil kapag sinagot ko sya sasabihin nya daw sa akin. Kaya ngayon napagdesisyon ko na sasagutin ko na sya. Sa tatlong buwan na niligawan nya ko, ang dami kong nalaman sakanya.
-Allergic sya sa hipon at crabs.
Minsan kasi dinala nya ako sa resto at pinilit ko syang kumain ng hipon kasi ako yung nag grill! Hindi nya naman sinabi sa akin na allergic sya dun. Kaya ayun, namaga yung labi nya. Pincturan ko pa nga sya kasi kamukha nya si Kylie Jenner.
-Mahilig sya sa pets. May apat syang dogs.
Ang cu-cute ng mga 'yon! Minsan nga hinihiram ko yung poodle na si Red, dinadala ko dito sa apartment dahil alam kong ayaw ni Jec sa aso. Nang aasar lang ako.
-Favorite color: black and blue
Dahil favorite color nya 'yan ganyan narin yung favorite ko.
-Magaling mag basketball, MVP
Minsan pinapakita nya sa akin yung mga pictures nya na may mga medals ang trophies. Pina print ko pa 'yung mga favorite kong pictures nya para idikit sa taas ng kama ko eh iisang kwarto lang kami ni Jec edi tuwang tuwa yung bakla kasi lagi nyang nasisilayan yung mukha ni Ben.
-Mahilig sya sa Video Games
Kahit na may business na sya which is the most popular Pet Shop dito sa Pilipinas, eh adik parin sya sa computer games. Dinadala nya nga yung PS4 at nintendo switch nya dito every week para turuan ako mag laro.
- Mahilig syang makipag sing along kasama ako.
Kapag napapasabay ako sa kanta, sumasabay rin sya. Gaya gaya talaga.
May condo unit sya at binigyan nya ako ng duplicate ng susi kasi minsan hindi sya nakakapasok sa store niya sa sobrang pagod at kapag hindi daw sya nakagising ng maaga, ako daw ang gigising sakanya. Pero never pa ako pumunta dun. Niregaluhan ko nalang sya ng alarm clock na boses ko na sumisigaw ang magpapagising sakanya. I know, ako na sweet at head over heels sakanya.
Kaya ngayon, for the first time in forever, Kinanta ko talaga 'yan. Pupuntahan ko na sya sa Condo nya. Nasa loob na ako ng elevator at kinakabahan ako. Why? Kasi first time ko lang pumunta dito. Mamaya maabutan ko syang naka topless diba? Grimmie! Umayos ka nga. Ang lantod mo.
Ding*
Bumukas na yung elevator at hinanap ko yung unit nya.Wait.. Room 113 Ayun! Nakita ko rin. Susi, where are you- wait! Dahan dahan lang kasi isusurprise ko sya. Ayiee. Bigat pa naman ng dala ko.
"Bro, dapat sabihin mo na sa babaeng yun yung totoo."
Teka, Parang narinig ko na yung boses na 'yon. Itinigil ko na yung paghahanap ko ng susi at idiniin yung tenga ko sa may pintuan. Mukhang nasa likod lang sila ng pintuan nag uusap usap.
"Yes Ben, she deserve the truth pare, Mamaya maunahan pa tayo ng W.C"
Shit. W.C? Women's Crown? Pinapapunta nga pala nila ako sa office namin. Bakit kaya? And ano kinalaman nila dito?
"Sasabihin ko na sakanya mamaya mga pare. Tutal na fall na sya sa charms ko"
THAT VOICE. THAT WORDS. Hindi ko ineexpect.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...