Chapter 44

52 16 6
                                    

Kanina pa tawag ng tawag si Jec. Di ko sinasagot. Naka focus lang ako sa daan. Kailangan kong mapuntahan agad si Ben sa Manila.

Nasa hospital sya ng Manila. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit hindi sya nagpaalam sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako, bakit sya nasa hospital? Anong nangyari sakanya?

"HOY! MAGDAHAN DAHAN KA NAMAN!"

Narinig kong sabi nung lalaki na tatawid sana kaso binilisan ko ang pagpapatakbo ko ng van. Emergency 'to. Sorry.

Pagdating ko sa Medical City, pumunta na agad ako sa receptionist at nagtanong. Wala kasing room na nakalagay dito sa papel.

"Miss, anong room number ni Ben Gonzalez?"

Napatingin sakin si ate. Gulat na gulat sa akin kasi mukha akong baliw. Naka tshirt lang ako at shorts, wala pang suklay suklay.

"Pasyente po sya ma'am?"

After 20 seconds ata na tingin ang ibinigay nya bago sya sumagot.

"Hindi, hindi, baka janitor sya. Kaya nga room number tinatanong ko diba?"

Jusko ah. Ayaw nalang kumilos!

"Check ko po ma'am"

Namula sya dahil sa pagkakasagot ko sakanya. Ang tanga lang kasi.

Then tumingin sya sa computer nya. Ang tagal! Bakit kasi hindi nila binigay kung anong room number?

"Ma'am sure po kayo na dito sya naka confine? Wala po kasi sya sa records namin"

Nagulat sya nung hinampas ko yung desk nya.

"Anong wala? Eh kaka confine nya lang dito!"

"Im sorry Ma'am wala po talaga"

Inhale. Exhale. Grim, wag mong patulan. She's just doing her job.

Tinalikuran ko nalang sya. Wala syang kwenta! Ako na maghahanap sakanya kung kailangan kong door to door para mahanap ko si Ben why not?

Sinabi nya sa akin kagabi na pagkagising ko nasa tabi ko lang sya. Nasaan na sya?

Una kong nadaanan ay ang cancer ward. I know wala syang cancer pero 'yun ang unang ward na nadaanan ko.

Idinidikit ko yung tenga ko sa bawat pintuan at pinapakinggan kung nandun yung boses nya at may sakto pa ngang bumukas ang pinto eh. Nag sorry nalang ako sa nurse.

Kinakabahan ako.

Pagdating sa isang room, nakabukas sya onte. Sumilip ako. Muntik na akong mapamura.

Dalawang nurse, naghahalikan. Jusme! Kinabahan ako akala ko naman si Ben.

"Hey.. Angel, next time kasi magpahinga ka nalang."

Napahinto ako sa paglalakad. Parang kilala ko 'yung nagsalita galing sa likod ko. Ayokong lumingon. Hindi ko kaya.

"Sorry Benben ko" then tumawa ang baliw.

Benben ko? Ano daw? Yuck! Di ko na 'to kaya. Tumalikod ako at humarap sa kanila. Nakita kong naka wheel chair si baliw. Bakit nandito si Olivia? Dapat nasa mental 'to diba?

"Grim?"

Nakita kong nag smirked lang si Olivia. Makakalbo ko sya. Inirapan ko na lang sya.

"Wow. Sweet nyo naman. Sana nagsabi ka manlang na may inaalagaan ka pala. Nurse ka ba?"

Nakatingin lang ako kay Ben. Nakita kong naguilty sya. Tutulo nanaman ang mga luha ko. Bakit ba ang dali dali ko nalang umiyak?

Bakit mo nalang ako lagi pinapaiyak, Ben?

"Sorry kasi-"

"Anong sakit nito? Kalandian? Wala ng gamot dyan girl kundi magpakamatay ka nalang-" Dinuro ko si Olivia.

"Grimmie!"

Napatingin ako kay Ben. Leche sya makasigaw sya!

"Oh bakit?"

"Don't say that! Please unawain mo nalang sya"

Onte nalang! Onte nalang talaga! Iiyak na ko. Pinagsisisihan ko na ngayon kung bakit ako nag trabaho sa company ng baliw.

"Ano? Anong uunawain ko? Hindi mo naman pinapaintindi sa akin Ano ba?"

Bakit hindi nya kasi sinasabi sa akin ang problema nya? Ano bang nangyayari diba? Wala akong alam!

"Grim.. May-"

Biglang umubo si Olivia. Malala. Tiningnan ko sya. Kahit masama syang tao, nakakaawa parin sya.

"Shit! Angel are you ok? Lets go to your room"

Aba! Maka alaga 'to parang wala yung gf  nya dito! Hello! Nag drive ako from Batangas to here the fuck!

Punong puno na ako. Bakit sya pa ang kailangang mag alaga dito sa baliw na 'to?

"Ben, mamili ka. Ako o iyang babae na 'yan"

Natigilan si Ben sa tanong ko. Sorry pero kailangan kitang tanungin. Pagod na ako sa set up na ganito. Ako nalang ba lagi ang mag aadjust sa lahat ng problema nila?

"Ayokong sagutin 'yan."

"Sino nga benben?"

Aba! Umepal pa si baliw! Tumingin ako ng masama sakanya. She just smirked. Again. Paawa effect pa ang puta!

"Tara na Angel."

Doon na tumulo ang luha ko. Kapag nilagpasan nila ako, si Olivia ang pinili nya.

"I love you Grim, but kailangan ko 'tong gawin. For Angel."

Kinuyom ko ang mga kamay ko. Gusto kong manuntok. Gusto kong pumatay. Nagkaayos na kami kagabi diba? Ang saya saya namin. I was kind to her!

Nilagpasan nya na ako, bago sya lumagpas, kinuha ko yung kwintas na binigay  nya sa akin.

"Fine. You chose her, Goodbye. Forever"

Binato ko sa likod nya yung kwintas.

Tumakbo ako, pero bago ako makalayo sakanila, lumingon muna ako at sumigaw.

"Fvck you!"

A/N

Thank you sooo much idol! ChinitaSai sa magandang book cover! Pls read her stories! Di kayo magsisisi! Kikiligin na kayo, may matututunan pa kayo.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon