Chapter 27

88 24 24
                                    

Bakit sya nandito?
Bakit ang bango bango nya?
Bakit ang sarap nyang yakapin?
Bakit nya ako pinaglaruan?
Higit sa lahat..
Bakit may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko galing sa kamay nyang nakahawak sa bewang ko.

"Uhm... Miss?"

Ayokong iangat ang mukha ko. Makikita nya ang pagmamahal don. Nahihiya parin ako dahil ang sabi ko lang makiki-cr ako dito sa building diba?

"Perfect! Babe, si Grimmie pala my new secretary"
Pinakilala ako ni boss.

Naramdaman kong nanigas ang katawan nya at humigpit ang kapit nya sa bewang ko.

Babe?

Umayos na ko ng tayo. Be Professional Grim. Boss mo nandyan!

"Uh, Hi Sir, Goodmorning. Welcome to AOC"

Tumingin ako ng derecho sakanya. Sabay napako ang tingin ko sa kamay nya at sa kamay ng boss ko. Mag ka holding hands.

Anong nangyayari?

"Grimmie, meet Ben my business partner and my boyfriend."

Talk about awkward and bitterness.

"Nice to meet you sir"

Inabot ko ang kamay ko para makapag shake hands. Poker face lang sya, parang di nya ko kilala. Parang hindi nya ako sinagip kay dragon kahapon!

Akala ko ba nag aalala sya? Bakit parang iba yung sinasabi ng mga mata nya ngayon?

Napatingin ako sa babaeng nakahawak sa kamay nya. Kaya pala pamilyar yung mukha nya.

Ok lang sakin na may girlfriend na sya.

Ok lang  na mas maganda ang pinalit nya, Mga 10X na ganda compared sa akin.

Hindi ko lang maintindihan ay yung sinasabi ng mga mata nya na hindi nya ako kilala at parang kinamumuhian nya ako.

Ang shaket.

Aba! Kapal naman ng mukha nya. I excused myself and then walk away.

30 minutes na ang nakalilipas pagkatapos ng meeting, hindi parin lumalabas si boss at si Ben. Nakalabas na ang lahat ng ka meeting nila.

Kailangan kong papirmahan yung mga papers kay boss. Gusto ko naring umuwi!

May biglang nagtxt sa akin. Chineck ko yung phone ko at nakitang may chat galing sa group chat ng WC. Bago na pala yung cellphone ko. Iphone 8 na sya. Pinag ipunan ko ito galing sa raket ko sa mission!

BesDianne:
Let's get drunk girls! Hindi ko na kayo nakikita!

Malamang puro kayo date. BesDianne name nya kasi gusto nyang tawagin namin syang lahat na 'Bes' dahil sya daw ang bestfriend ng lahat.

AnnaZona:
G

Punyeta kahit sa chat, nakakatakot parin.

SisMarie
I don't drink guys, May prayer meeting kami. Enjoy! Don't forget to ask God for forgiveness.

Halos mag sign of the cross ako sa chat ni Marie. But I'm happy for her. Bagay na bagay sakanya maging madre.

BesDianne:
Ano Grim? Meet us at Underground Club tonight. Aryt? Bring your gay friend. Mwa!

Napahawak ako sa sentido ko. Mukhang may mangyayari ngayong gabi.

Dahil gusto ko rin namang makasama ang WC hindi ko na kayang hintayin pa si boss lumabas.
Tumingin ako sa orasan. 9pm na. Super OT ko na'to ah! Pa jollibee naman kayo uy!

Pumunta na ako sa pintuan at kumatok. May naririnig akong nagsisigawan.

"Are you out of your fucking mind Angel, Why did you do that?"

"Because I love you, Ben!" Umiiyak na si boss. Hala may LQ?

"You need to tell them the truth. They are your friends!"

"No listen to me, Ben!"

Hindi na ako nakpagtimpi kaya binuksan ko na yung pintuan na dapat pala hindi ko nalang ginawa.

Then I saw it. My boss and my love, kissing.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon