"Oh anong tinitingin tingin mo dyan?"
Pagkagaling namin sa cliff ni Ben, mga alas-dos na ata ng madaling araw ' yon at nakatulog agad ako. Kaya ngayon ko lang nakita 'tong animal kong bestfriend. Ang sama pa ng tingin sa akin.
"Hoy!"
Aba! Palapit ng palapit ang gaga!
"Hmmm binigyan ng mamahaling necklace.."
Hindi naman mamahalin ata 'to.
"So? Inggit ka lang!" Bitter nanaman.
"Sinuko mo na ang bataan-" *pak!*
"Wag mo ng ituloy kung gusto mo pang mabuhay" Sinampal ko nga.
"Aray ko naman teh! Uieee kenekeleg eng gege"
Inirapan ko na lang sya. Pero keneleg telege eke neng bengge.
"Che! Wag ka ngang pabebe dyan!"
"Pero girl, Im so happy for you! Natagpuan mo na ang lalaking para sayo. Kailan kaya yung sa akin?"
Nabulunan ako sa sinabi nya. Ang dami daming nyang tropa sa labas! Akala ko ba may type syang payatot dun?
"Teke nga teh, ano bang gusto mo, lalaki o babae?" I smirked.
"Alam mo na sagot dyan! Makaalis na nga."
Yown! Tama ang plano ko. kapag kasi ganyan mga tanong ko napipikon sya.
*riiiiiiing*
Sino nanaman 'tong tumatawag na 'to?
"Halu?"
"What? Ayusin mo nga yung language mo."
Wow. Boses palang talaga. Naalala ko nanaman yung kagabi.
"Oh edi ikaw na pormal!"
"Teacher ka pa mandin."
"Shut up, bakit ba?"
Dinamay pa talaga 'yung pangarap ko. Kufal.
"Weekend getaway. Sama mo yung bakla."
Makabakla naman 'to! Pare-parehas talaga silang magkakaibigan.
"Talaga? Saan? Ano dadalhin ko?"
"Tsk. Daming tanong! Punta nalang ako dyan. Miss na kita. Bye, Love you."
"Teka-" Makamiss ka naman. Miss na rin kita!
Abat! Bastos talaga yun! Binabaan agad ako. Hindi pa nga ako nakakasagot eh.
Inabangan ko sya sa may pintuan at maya maya pa ay nakita kong naglalakad na sya papunta sa amin.
Lumaki 'yung mata ko nang lumapit si OJ kay Ben at nakipag apir. Tangina kapal talaga ng mukha baka mamatay si Ben sa hininga nya.
Nag usap pa sila! Naku huwag kang lumapit ng sobra Ben!
Tumakbo ako papunta sakanila at hinila si Ben.
"Teka nga OJ, naligo ka ba?"
Tumingin si Ben ng masama sa akin. Problema neto?
"Oo naman! 3x a day ako naliligo Grim!" Eh nagsisipilyo kaya? 3x a year?
"Sige pre, una na kami ng girlfriend ko"
Hinatak na ako ni Ben papunta sa amin.
"Don't be rude Grim, mabait naman si OJ"
Mabait nga! Ang sama naman ng amoy.
"Concern lang naman ako sa kalusugan mo. Sya nga pala sa isang araw tayo aalis?"
"Yup, nasabi mo na ba kay bakla?"
Pare-parehas sila ng LIMA. Bakla ang tawag kay Jec.
"Hindi pa, final demo ko ngayon. Samahan mo ako?"
"Oo naman."
Niyakap nya ako.
"Ngayon palang, I'm so proud of you. You will be a great teacher. "
Kinilig naman yung puso ko.
Yup. I can't wait to be a Teacher!
Nung demo teaching ko na, nasa likod sya ng classroom at nag vivideo na parang tatay ko kasi super proud sya sa akin.
Namigay pa sya ng jollibee at school supplies sa mga batang tinuruan ko.
May mga lumapit pang mga students ko sakanya.
"Teacher! Boyfriend mo po?"
"Yes, Agatha." Nakangiting sagot ko sa student ko.
May pumunta naman kay Ben.
"Visitor, ano po ang pangarap mo paglaki mo po?"
Natawa kami pareho. Mga grade 2 students palang kasi sila. Super inosente. Ang cu-cute!
"My dream is to become a good husband to your teacher"
Lumaki yung mga mata ko at kilig na kilig naman yung mga head teachers ko.
Uno tuloy 'yung grade ko sa final demonstration.
"Jec!"
Tawag ko. Nasaan na kaya 'yon?
Weekend na at ngayon yung getaway namin. Ngayon ko palang din sasabihin kay Jec.
"Yes atiii?"
Ang arte talaga. Leche.
"Aalis tayo! Weekend getaway daw!"
"Ay bongga! Kasama ba yung mga friends ni Fafa Ben?"
"Ata. Bakit-"
"Yaaaaah! Sigi sigi ati shut up ka na mag eempake na ako."
Bigla syang nawala sa paningin ko. Lechugas barabas.
Well.. Sya na excited.
Ikaw rin kaya Grim.
Oo na. First time ko palang kasi makaka labas ng bansa.
Charot! Wala akong passport.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...