Ding Dong.
Ding Dong.
Dantes.
Pang sampung beses ko nang naririnig yong lintik na doorbell na 'yan. Ang sarap sarap ng tulog ko eh! Napabangon ako kaagad. Baka si Jec bumalik. Namiss ako.
Mahilo-hilo pa akong tumayo at binuksan yung pintuan.
"Maam may sulat po kayo"
Sabi ni kuyang mataba na naghahatid ng mga sulat dito sa apartment.
"Jusko naman kuya! Bakit di mo nalang iwanan po dyan sa tabi. Doorbell ka ng doorbell! Tulog pa nga yung tao!"
Galit kong sabi sakanya. Umagang umaga parang gusto kong mag ihaw ng baboy ah!
Abat! Biglang umalis sa harapan ko. Bastos! Binuksan ko yung sulat.FROM: Women's Crown
Wow may logo pa sila. WC tapos may flower. Teka- Tama nga ako, ang WC na tinutukoy ng mga goons na humabol sa akin kagabi ay ang Women's Crown.
Bakit kaya?ANG INIT. Nandito na nga pala ako sa building ng W.C sabi kasi sa sulat na natanggap ko kaninang umaga, Pumunta daw ako dito para mag train. Kaloka. Hindi pa ba training yung running? As if naman gagaling ako.
Sinalubong ako ng WC at sumakay sa elevator pa underground. Dito daw kasi yung training grounds nila. Ngayon lang ako nakapasok dito.
May malaking boxing ring sa gitna. May iba't- ibang gym equipments sa isang tabi.
Pumunta ako sa nakahilerang wall na nakasabit ang lahat ng klase ng baril, granada at iba pang mga devices. May nuclear bomb ba sila dito?
Umalis na agad ako dun sa wall na yun. Nakakatakot! Pero napalingon ako sa isang wall. Namangha ako dito. Parang tinatawag yung presensya ko. Nabibighani ako sa mga nakikita ko.
Inabot ko yung isang napakagandang armas na nakita ko. Gusto kong gamitin 'to kasi maganda, parang ako.
"Good choice Grim" Napalingon ako kay Anna na nakasuot na ng sports bra at cycling shorts.
"Gusto kong ipractice 'to."
Ang ganda kasi talaga. Maliit lang sya bagay lang sa height ko.
"Sige. Let's start!"
Buti nalang pala naka leggings at sports bra rin ako. Kasi kung hindi, baka namatay na ako.
SA BUONG 6 months, nag train lang ako. Sobrang pumayat ako compared sa katawan ko dati at sobrang toned narin. Walang araw na hindi kami dadayo sa training grounds nila.
Lahat sila ay expert! Parang buong buhay nila ganito yung ginagawa nila. Mag train lang ng mag train. Halatang ang laki ng galit nila dito sa target nila.
Tinuruan din nila ako gumamit ng ibat ibang weapon. Pumapasok parin ako sa school pero ito nalang yung raket ko. Pagkatapos na pagkatapos ko sa school nandun na si Dianne nakaabang sa labas ng gate at sinusundo ako papunta sa training. Gusto ko nga minsan tumakas kaso ang saya sumakay sa Lambor-- ewan nya hindi ko parin masabi yung sasakyan nya.
Araw-araw salitan silang tatlo sa pagtr-train sa akin. Si Anna sa boxing at martial arts. Kaloka walang awa yung babaeng yun! Kung hindi putok ang labi ko, yung kilay ko naman. Pero dahil sakanya natuto akong dumepensa.
Si Dianne naman ang tumutok sa paggy-gym ko. Kulang nalang halikan ko yung mga weights. Sobrang strict nya pero dahil sakanya naging ganito yung katawan ko. Mas naging confident ako at lumakas.
Si Marie naman ang nag train sa armas na pinili ko. Ang hirap. Lord, bakit yun ba yung napili ko? Buti nalang at lahat sila ay marunong manahi. Sila gumagamot sa lahat ng sugat at hiwa ko sa katawan.
"Congratulations Grimmie! You are now officially a Women's Crown." Sabi sa akin ni Anna.
"Here, accept your crown"
Hindi yun tiara katulad ng sa reyna kundi isang swiss knife. Doon kasi ako magaling at yun ang pinili kong weapon.
"So for your first assignment"
Inabot sa akin ni Dianne ang isang envelope. Grabe wala man lang trip to Boracay? Reward sa 6 months kung pagpapakamatay sa training kasama nila? Assignment agad?
Buksan ko na nga baka may pera dito.
"Oops! Sa bahay mo na basahin at pag aralan"
Pasuspense na sigaw ni Marie. Patayin ko agad 'tong lintik na target na to eh.
"Ah sige girls, Thank you!"
Umalis na ako at umuwi. Sino kaya yung target ko at bakit iba yung poot sa mga mata ni Anna?
A/N
Sino kaya ang first target ni grimmie? Thanks for waiting!! Busy lang kakabasa ng vampire/werewolf stories! First time ko lang kasi magbasa ng ganun genre coz I thought hindi ko magugustuhan but, pagkabasa ko ng struck- woah, di ko na tinigilan *_*DyosaMarie
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...