"Hala! Ang ganda!"
Ito nalang ang nasabi ko. Dinala ako ni Ben sa bandang dulong bahagi ng paradise na 'to. May mahabang bato na pwede mong lakaran hanggang sa gitna ng dagat. Kitang kita mo ang ibat ibang uri ng mga isda at mga corals. Kung matatakutin ka sa heights, bawal ka dito.
"You like it?"
Napatingin ako sa likuran ko. Mapapaiyak na talaga ako sa saya.
Tumakbo ako sakanya para yakapin sya."I love it. Thank you Ben"
Nakasubsob lang ako sa leeg nya. Habang lumuluha. Lord, hindi ako mabuting tao para ma-experience ko yung mga ganitong bagay.
"Hey.. Anything for you babe. You know I love you so much. Right?"
I love you so much. Lagi nyang sinasabi yan. Sasagot na ba ako? Mahal ko na talaga sya.
"Tara upo tayo dito."
Hindi nya na ako hinintay makasagot. Umupo na kami sa dulo. Kapag tumingin ka sa baba, ang ganda. Nakikita mo yung reflection mo sa tubig plus the fishes and the corals.
"Grim, Im sorry for everything. I was a jerk. Sinaktan kita. Kasi duwag ako."
Lagi rin syang nagso-sorry sa akin. Ibang iba na ang nararamdaman ko ngayon. I'm falling so hard.
"Hey. Ok na nga 'yon. Past is past ok?"
Tumingin ako sakanya. Nakatingin lang sya sa malayo.
"Sobrang na guilty ako nung naabutan mo kami sa condo."
Yes. 'Yung dapat sasagutin ko na sya? Kaso narinig ko silang nag uusap. Grabe para akong binagsakan ng langit at lupa. Parang ang tagal na nun.
"Nasabi ko 'yun kasi.. Nahihiya akong aminin sa mga kaibigan ko na nainlove ako sa isang WC."
Natawa nalang ako. Boys will be boys nga talaga. Boys and their ego. Napatawa ako.
Napatingin sya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit ako tumatawa.
"Sorry, kasi ang cute mo eh!"
Pinisil ko pa yung magkabilang pisngi nya. Cute cute!
"Tsk, Panira ka talaga ng moment! Tara na mukhang uulan"
Kita mo 'to. Pikon forever.
Tumayo na kami. Nagselfie selfie muna kami. Aba! Minsan na nga lang eh.
Naglalakad na kami nang biglang bumuhos ang ulan.
"Shemay! Tara takbo!"
Potek panira yung ulan.
"Wait! Babe silong muna tayo sa may kubo dun"
Buti naman at may kubo dito. Teka forevermore lang ang peg?
"Haha p-p-rang tayo s-s-ina Xander."
Nanginginig kong sabi. Ang lamig! Naka one piece lang ako tapos may sarong na manipis! Si Ben naman naka shirt and board short.
"Ano? Sino si Xander? Manliligaw mo?"
Napatingin ako sakanya. Akala ko nagbibiro lang sya. Pero seryoso 'yung mga mata nya. Tumawa nalang ako ulit.
"Hey! Why are you laughing? Im serious here"
"Seryoso? Di mo kilala si Xander ng forevermore?"
"Watever. Mas pogi pa ako dun." He smirked. Pero nafeel kong napikon sya kay Xander kahit hindi nya kilala.
Binatukan ko nalang sya.
"B-ben a-ng l-amig"
Nanginig na yung labi ko pate ngipin ko.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...