Chapter 14

127 29 19
                                    

"I miss you.. "

Napakagat ako bigla sa tsokolateng hawak ko. Pwe! May karton pa pala!

Tumawa sya at napatayo ng maayos.

"You're so cute" Pinisil nya pa yung dalawa kong pisngi.

Hala sya, cute daw ako. Tatlong araw na nga ako hindi naliligo. Dapat pala lagi akong nagpopolbos. Bigla bigla nalang kasi syang sumusulpot.

"Ben, about dun sa mall-"

"You don't need to explain, I understand. Kung may manligaw man sayo, sasabay ako."

Napatingala ako sakanya.

"Huh? Hindi-"

Biglang bumukas yung pintuan at muntik pang matumba si Ben dahil tumama sa likod nya yung kahoy na pintuan namin.

"Grimmie! Girl! Imbyerna! Yung lalaki! Grabe! Akala ko papatulan na yung beauty ko 'yun pala habol lang pera! Kapal ng feslak- ooops. Hi there hot guy! Ay este, pare! "

Nice timing ka talaga kahit kelan Jec, hinila ko sya at tinapat kay Ben.

"Nice! Ah Ben si Jelson pala bestfriend ko, hindi sya nanliligaw sakin kasi-"

"Ikaw ang type ko papa!" -boogsh-" aray ko grim" Binatukan ko nga.

"Umayos kang bakla ka! Umalis ka nga muna dito. Shooo!"

Tinulak tulak ko na si Jec. Gusto kong masolo si Ben. Lalamutakin ko muna ay este mag uusap pala kami.

"Ay oo nga pala. Sige, Grimmie! Maligo ka na! Hindi ka na brokenhearted! Nandyan  na yung love of your life at maliligo na sya yes---"

-BLAAAAAG-

Sinarhan ko nga ng pinto. Ang daldal eh. Sinasabotahe nya talaga mga moves ko.

Namumula yung pisngi ko dahil dun bakit parang biglang uminit dito?

"Ahm sorry, Ben wala lang yun, baliw talaga yung bestfriend ko"

Nakatulala parin sya. Mukang na shookt sya kay bakla.

"Fuck, Kaya ako may trust issues eh. Kalahi mo pala sya."

Natawa kami pareho. Pasimple kong inayos yung buhok ko. Tinali ko na sya. Sinabunutan ko pa ng very slight yung sarili kong buhok ayaw umayos eh.

"Yup. Trip nya lang talaga 'yung sa mall"

Tumuwid sya ng tayo at tumitig saakin. Ayan nanaman yung mga mata nya. Napalunok ako.
Dumeresto ako sa kusina at nilapag 'yung mga chocolates ni bigay nya.

"Ahm what do you like to drink pala? " Syempre bisita ko sya.

Seryosa lang syang nakatingin sa akin. Ano ba yan. Mag hilamos kaya muna ako?

"Huy! Anong gusto mong inumin? Baka uhaw ka na. Coffee, Tea or me-- milk?" Gatas talaga Grim? Wala naman pala kaming gatas.

Lumapit sya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Ang ganda talaga ng brown eyes nya. Yung mga pilikmata nyang..

"Well atleast, wala akong ka kompetensya."

Ka kompetensya? Saan?

"Huh?"

"Grimmie, I know kailan lang tayo nagkita, but.. Grimmie.. Pwede ba kitang ligawan?"

Kinakabahan nyang tanong.

"Huh? Wait lang" pucha let me breath!

Uso pa pala yung mga linyang ganyan? Yung pwede manligaw? Hala ang haba ng hair ko.

"Grimmie, Alam ko, lately lang tayo nagkakilala and I want to court you. Kapag hindi kita nakikita, I miss you. Kapag hindi ko naririnig yung mga tawa mo, I'm lost. Kapag nakakarinig ako ng kanta, Hinahanap hanap ko yung boses mo."

Hindi ako makapag salita. Ano ba dapat kong sabihin? Pwede maligo muna ako?

"Uulitin ko Grimmie, Liligawan kita"

Napalunok ako. Ang ganda ko lang.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon