Chapter 34

81 21 10
                                    

"Grimmie---"

Nakita ko si Jec, nakasalampak sa lapag ng kwarto namin at umiiyak.

Last time kong nakita si Jec na umiiyak? Nang nainlove sya sa kaklase namin nung high school. Sobrang inlove nya naging stalker na sya. Araw-Araw binibigyan nya ng mga regalo. Kulang nalang pati katawan nya ibigay nya. Pero nagbago ang lahat nung nakita namin yung guy kahalikan yung bestfriend namin dati na si Kristal.

Si Kristal ang bestfriend namin noong high school. Mayaman sya. Pero hindi namin maintindihan kung bakit ginawa nya yun kay Jec, alam nyang inlababo si bakla dito.

Pagkakita namin sakanila binugbog ni Jec yung guy. Nagulat ako nun. Mukang naging lalaki si Jec pero nawala rin yung gulat ko nang sinabunutan nya si Kristal. Nagsidatingan yung mga guards ng school at ang principal. Na suspend si Jec, pero naka graduate parin sya.

Kinagabihan, nakita ko syang umiinom. Sabi nya papakamatay na daw sya. Iyak sya ng iyak nun. Pinangaralan ko sya. Andun lang ako sa tabi nya sa mga gabing hindi nya makalimutan yung first love ny. Dinadamayan ko sya at ayaw ko na syang makitang ganun ulit.

"Jec! Ano nangyari? Ano yung Emergency?"

Hindi naman pulang pula ang mata nya. Parang kakaiyak nya palang.

"Grim---"

"Ano ba yon? Ngawa ka ng ngawa dyan! Magsalita ka kasi!"

Ayaw pa kasing sabihin kung ano yung emergency eh!

"Grim waaaah"

"Leche ano ba yun?"
Kung hindi lang ako kinakabahan nasabunutan ko na sya.

"Buntis ako."

That's it. Dun na nagtapos ang buhay ni Jec.

Kung pwede nga lang! Potek!

"Anak naman ng pucha oh! Alam mo bang nasa mission ako nung nagtxt ka? Umuwi kaagad ako dito! Akala ko napano ka na! peste ka!"

Kulang nalang makalbo si Jec sa sabunot ko.

"Aray ko teh! Pasensya na! Nasa mission ka pala, patayan ba?"

"Pakyu ka!" Alam naman nya yung gagawin ko ngayon.

"Hindi grim, kasi pinapauwi ako ni Tyang Amy"

Wait, What?

"What! Paano yung birthday ko bukas?"

Sa buong birthday ko, si Jec lang ang kasama ko. Pinapasaya nya naman ako. Lagi kaming nasa park at naglalaro ng patintero. Kahit wala kaming handa masaya parin ako. Super nag eeffort si Jec tuwing birthday ko kasi alam nya na wala akong ibang kasama kundi sya lang.

Marami ring beses na pati 'yung mga tropa nyang payatot ay kumakanta sa tapat ng bahay namin tuwing birthday ko.

Kahit ganyan lang 'yung celebration, masaya na ako.

"Girl, dont cha worry i-celebrate natin yan pagdating ko ok?"

"Tela kelan ba uwi mo-"

"Babye Girl!"

Hudas. Iniwan lang ako bigla. Parang hindi nag inarte kanina ah!

Hindi ko pa birthday pero feel ko magiging malungkot ako. Sad life.

Patulog na ako nung biglang may nag doorbell. Hala si Jec namiss ata ako!

Nagmamadali akong lumabas at binuksan ang pintuan. Parang nag iba 'yung ihip ng hangin?

"Happy Birthday, Ganda!"

Pota. Muntik na akong maubo.

"Hulaan ko ang ulam nyo kanina OJ"

Parang nag twinkle pa 'yung mata nya kasi seryoso ako.

"Sige nga Grim! Ano ulam namin kanina para ipagluto kita!"

"Tuyo! Ang baho eh!"

Umasim 'yung mukha nya. Sinarhan ko na sya agad ng pintuan. Kaimbeyrna! Maliligo nanaman ulit ako!

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon