Chapter 4

186 42 40
                                    

"So... Introduce yourself!"

Makapal yung mukha ko. Hindi talaga ako nahihiya kaya ko nga gusto maging teacher dahil sa bunganga ko. Madaldal ako. Pero sa pagkakataong ito. Hindi ko alam sasabihin ko.

"Huh? Im not sure, kasi Marie wala naman akong talent sa-" Pagpatay.

"Cut it out girl, We will train you and you will be good!"

May pag-training! Ito na yung adventure na hinihiling ko. Baka mabago ng grupong ito yung buhay ko.

Tumingin ako sa tyan ko, sa braso ko at sa hita ko. Can I be a secret agent? Keri ko bang pumatay? Kaya ba ng kasukasuhan ko ang training? Workout program nga lang ni Chloe Ting sa Youtube halos isuka ko na eh.

Pero kailangan ko ng raket. Graduating na ako at maraming bayarin.

"Fine! Magkano muna ang raket?"

Syempre! Buwis buhay 'yung ganito kaya I need to know the price.

"500,000 per project"

Napanganga ako. Grabe! Limang taong sahod ko 'yun sa work ah! Napalunok ako. Mukhang buwis buhay nga itong pinasok ko.

Pero kailangan ko ng pera. Spell gipit?
G-R-I-M-M-I-E.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa taas. Kung nakawan ko nalang kaya sila?

"Okay, I'am Grimmie Bernardez, wala narin akong family, and I'm in"

Malaki ang ngiti ko habang sinasabi 'yon.

"Wait, what? Wala ka naring family? Are they killed by someone?" Tanong sa akin  ni Dianne.

Akala naman nila mga lalaki rin yung pumatay sa mga magulang ko.

"Hindi ko alam kasi baby palang ako nasa tita na ako ng kaibigan ko"

Ang sabi ni Tyang Amy na tita ni Jec, namatay yung bestfriend nya nung pinanganak ako. After 2 months sumunod naman yung tatay ko. True love lang ang peg nila.

"Girls, teka, may tanong ako narinig ko kasi kay Dianne kanina na gusto nyo talagang may pumasok dito sa company. Why? Kulang pa ba kayong tatlo?"

Para kasing desperada na silang makarecruit. Bakit kaya hindi nalang sila nag announce sa facebook?

"Grimmie, Apat dapat ang myembro ng isang secret group and unfortunately.. Umalis ang isa naming member last week lang" Malungkot na sabi ni Marie. Si Dianne malungkot rin. Pero ang leader, hindi lungkot ang nakikita ko sakanya, Galit ang nakikita ko sa mukha ni Anna.

"Ano? Bakit sya umalis?" Curious ako eh.

"Nainlove sya sa isang target at sya ang una mong assignment. After your trainings, Find that asshole and DON'T YOU DARE FALL INLOVE IN THE PROCESS"

Okay, Napalunok ako. Mukhang mamamatay pala agad ako.

Biglang sumeryoso ang ihip ng hangin dito sa mansyon nila. Ang awkward.

"Girls? "

Tumingin sila sabay-sabay sa akin.

"Pwede painom ng tubig? Uhaw na uhaw na ako kanina pa" Sabi ko sainyo makapal mukha ko eh.

Bigla naman silang tumawa.

"I like this girl, she will be a great crown for us. Nice work Dianne" Nag apir pa sila sa harapan ko. Anong crown? Oo mukhang akong princess pero mahirap lang ako.

"Come here Grim, we'll tour sa house. Let's start sa kitchen"

Pumunta kami sa kitchen nila na parang pang dalawahang kwarto. Pumunta si Dianne sa isang ref na mas malaki pa ata sa dambuhala at kumuha ng tubig.

Sinilip ko kung anong laman ng ref habang umiinom ako ng tubig. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko  dahil walang laman ang ref nila kundi mga chocolates at milktea. Dapat pala miktea yung nirequest ko.

Pagkatapos namin sa kitchen ay biglang tumunog yung cellphone ko. Nagtext si bakla.

"Hoy gaga anong oras na, ano nilinis mo narin buong school nyo?"

Gusto kong kutusin yung sarili ko. 9pm na at may pasok pa ako sa call center.

"Girls! Teka, male-late na ako sa isa kong raket. Text nyo nalang ako!"

Madali akong napatakbo papunta sa pintuan.

"No need. We called the call center company na pinapasukan mo and we informed them na you resigned."

Napaikot ako sakanila.

"What! 15 bukas, sahuran namin dapat sa isang araw nyo na tinawagan"

Sayang rin yun! Ang bilis naman nitong mga 'to malaman kung saan ako nagtratrabaho?

"You should go home and take a rest. Malapit na mag start ang training mo."

The girls hugged me. Masarap rin pala mag karoon ng kaibigan.

"Let's go, hatid na kita at baka maligaw ka pa"

Hinatid ako ni Dianne sa tapat ng eskinita namin.

"Nakatira ka somewhere there?" Jina-judged nya nanaman yung eskinita na wala namang ginagawa sakanya.

"Yup, hindi nyo ba kukuhanin yung number ko para i-contact ako kapag start na ng training?"

She waved her pink nails sa tapat ng mukha ko.

"No need. Just be careful Grim, Sige na nightynight!"

Hala ang arte lang. Bumaba na ako ng sasakyan nya. Bago ko isara yung pintuan ay nagtanong muna ako.

"Favorite color mo yung pink?"

Inirapan nya nanaman ako.

"Ew no!"

Then bigla nalang syang umalis. Hala ang sosyal ng mga new friends ko.


DyosaMarie

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon