Pinapunta ako ng WC after a week pagkatanggap ko ng envelope. Binigyan nila ako ng pera para sa mission ko and briefing ulit na parang naging eulogy.
"Grimmie, Just be careful with your mission. Kinakabahan ako sayo eh" Sabi ni Marie.
Mabait talaga 'to. Parang sa WC sya ang neutral, at referee dahil laging nagbabangayan si Dianne and Anna.
"Grimmie can handle herself, member na sya ng WC, you know the rules girl" Maarteng sabi ni Dianne.
Nakapink syang tank top and pink skirt. Pink parin yung kuko nya. Akala ko ba "eww" yung pink?
Hinawakan ako ni Anna at tumingin sa mga mata ko. Nakakatakot talaga si Anna. Amazona ang peg nya.
"Don't your dare fall inlove in the process. I trust you. Complete your mission and be safe"
Pagkatapos nyang sabihin 'yun, Tumalikod na sya agad. Ang amazona talaga.
With the money from W.C, Nag shopping agad ako! Minsan lang mag shopping and mag- ikot sa mall ang kagaya kong gipit. Libre pa!
Teka, Anong nangyari sa damit ngayon? Bakit pabawas ng pabawas? Nandito ako sa shop na may pangalang Forever 22, at naloka ako sa fashion sense nila. Kaiikli ng mga damit akala ko ba Forever 22 eh parang para sa 2 years old lang yung mga damit dito.
Umalis na agad ako sa store na 'yun. Ma-stress pa yung ganda ko.
Kumakain ako sa Mang Inasal nang may naramdaman akong may nagmamasid sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang katulad ko na nakakamay habang nilalantakan ang chicken sauce at rice?
After ng pang apat kong rice, na alam kong sisigawan ako ni Dianne kapag nalaman nyang ganun kadami ang nakain ko at masira daw ang "figure" ko ay umuwi narin ako.
Naglalakad na ako papuntang sakayan nang may tumigil sa tapat ko. Lalaki. Mukhang lalapain ang pera at katawan ko. Leche.
Tumingin ako sa paligid, wala masyadong tao dito dahil sa shortcut ako dumaan.
"Hi manong! Can I help you?" Nakangiti kong tanong kay kuya na mukhang adik.
Matangkad, at may dalang panaksak si kuya. Wow, scary.
"Ibigay mo sa akin ang wallet mo bilis! " Nanlilisik nyang sabi sa akin. Rude. Sya na nga mangssnatch, galit pa!
"Ay teka naman! Baka naman pwedeng- oo na eto na"
Nagtatapat agad ng kutsilyo si manong eh. Pero dahil ang baho nya uminit ang ulo ko.Kapal ng mukha nitong mangtrip porket madilim at babae ako. Alam kong maganda ako pero alam ko ring WC ako.
Binibilang nya pa yung pera ko nang pingutin ko sya pababa at tinuhod yung mukha nya. Sinigurado kong pumutok yung ilong nya sa lakas ng tama.
Paano kaya kung ibang babae natyempuhan nitong kumag na 'to? May bago na akong skills na ituturo sa mga magiging students ko in the future. Self defense.
"Argh! Puta- kang babae ka!"
Aba nakatayo agad si adik! At dahil mas matangkad sya sa akin madali nya akong nasabunutan. Punyeta bakla! Nananabunot.
Hinila nya yung buhok ko papunta sa isang sasakyang nakaparada at inuntog yung mukha ko sa salamin.
Amputa! Ang kapal talaga ng mukha ko. Literal. Hindi nabasag yung salamin eh, naduduling pa ata si adik, hindi masyadong malakas yung paghampas nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...