Chapter 31

76 22 16
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakahiya! Nararamdaman ko parin ang labi nya sa labi ko. Hindi gumagalaw. Nakapikit lang rin ako.

"Shit!"

Naitulak ko nanaman sya ng malakas. Hala nagiging amazona na ata ako!

"The fuck Grimmie!"

Naguilty ako ng slight.

"Ano kasi, hindi pa ako nagtotoothbrush"

Ang dami kong nasuka kagabi nakakahiya!

"Pwede mo naman sabihin sa akin ng maayos, kailang manulak?"

"Eh bakit ka kasi nanghahalik!"

Hinawakan ko 'yung labi ko. Ang sarap.

"Bumaba ka na para makakain ka kulang nalang pati apdo mo isuka mo kagabi"

Natatawa nyang sabi at tumakbo palabas.

Bumaba na rin ako. Ang laki pala ng condo unit nya. Dito nya ako dinala kagabi. Na alala ko tuloy 'yung sasagutin ko na sana sya.

"Hoy! Nasaan na 'yung cartolinang binigay ko sayo?"

Bored syang tumingin sa akin.

"Tinapon ko na"

Punyeta. Ang sakit. Naiiyak nanaman ako. Palagi nalang ako umiiyak!

Bakit nya nga naman itatago yon diba? Pinaglaruan lang naman nya ako. Target ko sya. Alam nyang sya ang mission ko. For him, Isa lang akong agent.

Palabas na ako nang nahagip ng mata ko yung colorful na poster sa may kanan ko. Nilapitan ko yung wall.

Napahawak ako sa bibig ko. Shit.

"Do you like it?"

'Yung poster na binigay ko sakanya ay nakalagay dito sa wall. Naka gold na frame. Sa gilid ay mga pictures namin. Dahil maliit na mga pictures lang 'yung nalagay ko sa poster noon (ang mahal kaya ng wallet size, gusto ko nga sana 2x2 nalang eh) Pinacopy nya ito at pinalakihan. Para syang puzzle na puro collage ng mga pictures namin.

Hinawakan ko ito. Hindi ako makapaniwala. May nakalagay sa bottom part.

"I love you Grimmie"

Napatingin ako sakanya.

"Kakalagay mo lang 'yan kanina noh!"

Sumama ang tingin nya sa akin.

"Alam mo ikaw panira ka talaga ng moment!"

Pumunta na ulit sya sa kusina. Sinundan ko sya.

"Love mo ako?"

Namula 'yung tenga nya. Hala kinikilig. Ganda ko talaga.

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

Napatingin ako sa may stereo nya. Lumapit ako sakanya.

"I'm sorry if makulit ako.. I don't know how to be a girlfriend."

First time kong mag mahal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. May general rules ba sa ganito?

Tumingin sya sa akin at bigla ako sinubuan ng omelette. Eng sherep.

Masama ko syang tiningnan. Pero ang cute nya, nakasuot sya ng apron na may banana prints. Natatawa tuloy ako habang ngumunguya.

"Hindi mo kailangan mag pa-kagirlfriend, basta nandito ka sa tabi ko, everything will be perfect"

He kissed me. Sa noo. Ano ako 85? Pero ang sweet.

He hugged me and explained the plan.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon