Chapter 29

87 21 24
                                    

"Ben I love you!"
"I love you more Grim.. Thank you for being a wonderful wife and mother to our kids"

Oh my. Thank you Lord! Nandito kami sa kama katabi ang asawa ko teka- asawa?

Gosh! Gosh! Bakit ko napaginipan 'yon? Oh my. Si Ben? Asawa ko? At at at may anak kami? No!

"Gising ka na pala"

Napadako ang tingin ko sa may pintuan. Duon ko lang napansin na nasa ibang kwarto ako. Maganda ang disenyo at halatang mayaman ang natutulog dito. May mga paintings rin ng mga iba't ibang mga hayop mukang hayop rin siguro ang may ari ng kwarto na to. Halatang pet lover ang may ari.

At.. Ang lalaking nakatayo sa pintuan na kulang nalang ay sakmalin ko. Really Grimmie?

"Teka.. Bakit ako nandito? "

Wag mong sabihing... Kinidnap nya ako? Aba! Hindi nya ng kailangang gawin yon!

Kasi sasama ako. What the- shit. Biglang sumakit ulo ko. Ano bang nangyari kagabi?

Sumasakit pa yung ulo ko. Naalala ko na nag iinom kami ni Jec tapos dumating ang WC tapos sumuka ako.

"You're so drunk last night, Muntik pa akong makapatay!"

Makasigaw naman parang hindi nang gago. Daig pa ang presidente ng Pilipinas! Naalala ko na may sinampal akong bola.

"Excuse me? Ano namang pakielam mo?"

Tumayo na ko. Alam mo, galitin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising!

Nakita ko syang namutla at tumingin sa bandang dibdib ko pero hindi ko 'yon pinansin. Umiinit ang dugo ko sa lalaking ito.

"Ano? Di ka makapagsalita? Kasi nangengealam ka!"

O ano. Sagot! Hoy nagtraining ako sa WC ito yung nakuha ko kay Anna. The power of shouting.

"Sa baba na tayo mag usap. Ako pala 'yung nag palit sayo kagabi. "

Sabay talikod nyang sabi at lumabas na ng kwarto. Bakit namumula 'yun?

Teka. Anong sabi nya.. Siya 'yung nagpalit sa akin kagabi? Ohmygahd!

Nakita nya..

Nakita nya.. yung peklat ko sa pwet?

Fuck! Napatingin ako sa dibdib ko ng marealize na nakatayo ako sa kanya ng walang bra.

"Fuck you Ben! "

Narinig ko syang tumawa. Demonyo.
Nanginginig ako sa galit. Uminom muna ako ng tubig na nasa bedside table nya. Wala na akong pake kung madumi 'yun o malinis. Nauuhaw ako!

Nasaan na ba 'yung damit ko? Nakasuot lang ako ng tshirt at boxer shorts at alam ko kung sino ang may-ari.

Dahil napipikon parin ako hindi muna ako bumaba. Iginala ko yung paningin sa kwarto nya. Pumunta ako sa may TV set.

May dalawang picture frame doon. Tiningnan ko kung sino 'yung nasa pictures.

Isa ay napaka cute na batang lalaki, may hawak ng gaming console. Si Ben ito.

'Yung pangalawang frame ay dalawang teenager. Si Ben at.. 'yung boss ko.

Napatayo ako. Napatingin sa kisame. Matagal na pala silang mag on. Umepal lang ako.

Pumunta ako sa cr at nadaanan ko yung walk-in closet nya. Napatingin ako sa itsura ko.

Maganda parin ako.

A/N

Ig- @jessicamasc

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon