Chapter 9

141 32 28
                                    

My DREAM GUY?
-Hot guy ✔️
-Hot car ✔️
- Sense of humor ✔️
- Mabait ✔️
Lahat na ng boyfriend goals ko nasakanya na. Pangalan nalang ang hindi ko alam.

Nakakahiya naman tanungin baka isipin nya type ko sya. Hindi kaya. Hindi sya nagkakamali.

Tahimik lang kami sa kotse nya habang nakikinig ng music. Nice choice of song.

Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight

Napatingin kami sa isa't isa dahil sabay kaming napakanta ng chorus. Tumawa kami ulit kami ng sabay. Hala meant to be.

Iginala ko yung mga mata ko sa loob ng kotse kasi feel ko namumula yung mukha ko. Pero siguro dahil lang sa mga galos ko.

Napahinto sya sa may gilid ng daan, hindi nya siguro alam kung saan yung papunta sa amin.

"Ay derecho ka lang tapos liko sa pangalawang kanto tapos derecho ulit then turn left. Sa tapat nalang ministop mo ako ibaba"

Tuloy tuloy kong turo sakanya. Napatingin ako kasi yung titig nya nanaman. Parang may gusto syang sabihin sa akin.

"What happened to your face?" Umigting nanaman yung panga nya. Hindi ba masakit sa ngipin 'yan?

Wala sa sarili na napahawak ako sa pisngi ko. Ngumiwi ako. Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin.

Wtf, para akong may bulutong sa mukha! Puro galos lang naman at wala namang naiwang bubog.

"May nag snatch kasi ng wallet ko kanina, lumaban ako" Independent woman ako pero hatid mo ako sa bahay ganern.

"You should be careful, hindi lahat kaya mo"

Makahulugang sabi nya sa akin. Alam ko naman yun. Mas malakas parin sa akin si Lord. Pero alam kong mas malakas ako sa mga adik!

Hindi na lang ako sumagot at nag drive na ulit sya. Salamat naman. He's so intimidating kasi. Grabe sya tumitig! Parang kinukuha yung espiritu ko.

"Ahm Mr. Stranger, Thanks for the ride."
Nasa tapat na kami ng Ministop at hindi ko pa naitatanong yung name nya.

"Ben. That's my name."

Lumaki yung mata ko. Nice name. He offered his hand. I shaked his hands. I felt... open. Napatingin ako sakanya kasi hindi nya pa binibitawan yung kamay ko.

"Be careful.. Miss?" Ay hindi ko parin pala nasasabi yung pangalan ko.

"Grim. My name is Grimmie but you can call me Grim, Thanks for the ride!"

Bumaba na ako ng sasakyan nyang maganda. Naaamoy ko parin yung pabango nya. Bakit ang bait nya? Nilalamig kasi ako sa kotse nya kaya pinahiram nya sa akin yung hoodie nya. Buti nagawa ko pang ibalik.

Nakatayo parin ako sa tapat ng Ministop dahil sa hindi mapakali kong puso.

Ben...

Sana hindi sya yung target ko. He's a nice guy and gwa-

"Malandi kang hitad ka!"

Muntik ko nanamang mahalikan ang kalsada dahil may bumatok sa akin.

"Aray ko Jec! Baklitang 'to! Inggit ka lang!"
Sinabunutan ko sya.

"No way in hell noh! Wow, umaasenso ka ah. Naka car!"

Maarteng inirapan ko sya.

"Well, ako pa ba? Jec?"

Pero ngumuso lang ako. Hindi pwede 'to. May iba akong nararamdaman at hindi ito maganda.

"Ahm Jec, Ben yung pangalan nya"
Napatigil sya sa paglalakad.

"Ben... Nice name- holy fudge! No way! Sya yung target mo?"

Umiling ako.

"I don't know. Hindi ko naitanong surname nya. Siguro naman hindi sya marami namang Ben sa mundo diba?"

Tama Grimmie. Maliit ang chance na sya yung target mo.

"Yun lang. Tinamaan ng kabobohan Grim? Dapat tinanong mo na lahat! "

"Hindi ko na naitananong kasi nakalimutan ko! He's so handsome! Nakasabay kami sa isang kanta! Pinahiram nya yung hoodie nya nung nilamig ako! He's so sweet"

Ito na ba yung pag-ibig?

"Ang landi lang, 10 points ka sa kaharutan tonight!"

"At bakit ko naman tatanungin yung apelyido nya, ano 'yun slambook?"

Tumatawa na kami habang papasok sa apartment.

"Oo! Dapat tinanong mo surname nya and favorite color, who is your first love ganern!"

"Bading ka talaga."

"I never deny it girl!" Umirap pa sya at kumendeng sa harapan ko.

Ben, sana hindi ikaw 'yung target ko.. sana.. Dahil sa mga oras na ito masaya ang puso ko.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon