"What the heck are you doing here you b*tch?"
Naunahan na ko ni Anna magsalita. Amazona talaga!
Nakita kong nag flip lang ng hair si Olivia. Bakit nandito 'to? Akala ko ba nasa mental na sya or nakakulong na?
"Well.. Im your friend right? and girlfriend ako ni Ben. So dapat nandito rin ako sa getaway nyo."
Lord. Napahilot ako sa sentido ko. Ayokong masira tong outing namin. First time na nga lang eh!
"Guys, it's fine. Were here to enjoy right? Ayokong masira 'to."
Napabuntong hininga sila sa sinabi ko. Oo na. Ako na mabait. Naramdaman kong pinisil ni Ben ang kamay ko. Hawak hawak nya pala.
"Are you sure Grim? Eh baliw-"
"Where's my room parasite?"
Huli na para pigilan ko si Jec. Nasampal nya na si Olivia. Malutong.
"Im not a parasite you crazy woman. Kung pumayag ang bestie ko na mag stay ka dito, ibahin mo ako. Wag kang magpapakita sa akin habang nandito ka at baka maging semento yang dede mong flat!"
Napatawa ako sa sinabi nya. Napatingin ako kay Olivia, tumawa lang sya bago umakyat. Baliw talaga!
"Gravity! Beks naman! Bakit mo pinayagang sumama yan dito?"
"Jec.. Ayokong masira itong bakasyon natin. First time na nga 'tong mangyari eh." I pouted.
"Nagpacute ka pang gaga ka! Sige na nga! Pero gagawin ko yung sinabi ko sakanya kanina! Kaimbyerna!"
Napatawa nalang kaming lahat. Atleast pumayag sila. Alas dos na nang hapon natapos kaming kumaen. Ang kukulit kasi nila at nakalimutan ko rin na nandito si Olivia. Kumain na kaya sya?
"Guys, swimming na tayo! Palit na kayo!"
Umakyat na sila para magpalit. 'Yung mga boys naman eh pumunta na sa labas para mag ihaw.
"Hey.. For you. Wear it."
Napatingin ako sa color red na paper bag.
"Ano to?"
"Bomba! Tsk. Just wear it ok?"
Nakita kong naka smirked si Ben. Baka bomba talaga 'to ah? Kinuha ko nalang yung paper bag sakanya at magbibihis na ako sa taas kaso pinigilan nya ako.
"You forgot something"
Ay oo nga pala. Yung food ni baliw. Pagkaharap ko sakanya binigyan nya ako nang mainit na yakap at halik.
"There. Go." He smiled then lumabas na.
Na shookt ako mga sizt sa ginawa nya. Manyakis talaga yon.
Kumuha ako ng food para dalhin kay baliw.
Kumatok muna ako bago pumasok sa room nya. Magkatabi lang ang room namin sa taas. Sama sama kaming girls, sa tapat naman yung mga boys. Solo lang si Olivia sa room nya. Duh.
"Hey, dinalhan kita ng food"
Nakita ko syang nakahiga at nakapikit. Baka tulog? Ngayon ko lang sya napagmasdan mabuti. Ibang iba sya nung naging boss ko pa sya. Wala syang make up ngayon. Hindi na sya mukhang anghel.
Pumayat sya at namumutla. Ang dami nya sigurong problema.
Nang naramdaman kong tulog sya eh umalis na ako. Nasa pintuan na ako nung narinig ko syang nagsalita.
"Ben.. I love you."
Baliw talaga sya.
"NAKANANG! Sino nagbili ng one piece mo? Ang ganda bes!"
Kanina ko pa naririnig bunganga neto ni Dianne. Sinuot ko na kasi yung bigay sa akin ni Ben. One piece pala. Color red na mas nagpatingkad pa sa puti ko. Kitang kita tuloy ang kurba ko. Nakakahiya.
"Yung magaling mong boyfriend ang bumili nyan noh?"
Tinanguan ko nalang si Anna. Parehas silang naka two-piece. Sila na sexy. Si Dianne naka all pink, neon pa. Sumakit yung brain cells ko.
"Tara na! Sayang yung araw gusto kong mag pa tan"
"Tan tanan mo ko Dianne, gusto mo lang makita si Earl eh."
"Ikaw ba di mo gusto makita si Aldrin? Aber? Arte mo rin eh noh."
Napailing na lang ako sakanilang bangayan. Wala kasi si Marie, walang aawat sakanila.
Pagkatapos naming mag picture picture eh bumaba narin kami.
Aba ang mga lalaki lumalangoy na! Si Ben nalang ang nag iihaw. Pumunta ako sakanya. Yung dalawa naman dumerecho na sa dagat. Sinisid na yung mga jowa nila.
"Hey, bat ayaw mo pa magswim?"
Napaangat sya ng tingin at nanlaki ang mga mata.
"Wait, sino ka? nasaan na yung girlfriend ko?"
Napairap nalang ako sa sinabi nya.
"Funny. Nasaan si Jec?"
Di nya ako sinagot. Nakatunganga lang talaga sya sa akin!
"Ang sexy mo pala baby."
Namula ako sa sinabi nya kaya kinuha ko yung pamaypay at pinunta ko sakanya yung usok galing sa ihawan. Uubo ubo ang gago. Buti nga.
"Bro! Sino yang kasama mo?"
"Ay potek! Si Grimmie ba yan? Babae ka pala grim?"Jusko po. Birds with the same feathers, flocks together talaga. Mga bwisit!
"Girl! Help!"
Napalingon ako kay Jec. May mga humahabol sakanyang mga chicks. May abs kasi sya. Ang hot nya nga tingnan eh. Kaso type nya jowa ko.
"Damn! Look mga bro, talo pa tayo ng bakla. Hinahabol ng mga chicks."
Binatukan agad ni Anna si Aldrin.
"Edi magpahabol karin! Dyan ka na nga!"
"Babe wait! Joke lang!"
Napailing nalang ako sa dalawa.
"Hey let's go."
"Saan tayo pupunta?"
Gusto ko na magswim. Kahit hindi ako marunong lumangoy.
"To tour, my Queen"
Namula ulit ako sa sinabi nya. Nakakahiya! Lalaking hottie na 'to na may six pack abs, tinatrato akong reyna! Baka sabihin nila under sya sa akin.
"Ok, nasaan ang red carpet?"
Queen pala ah. Hinawakan ko yung kamay nya.
"Suot mo na."
Binatukan ko nalang sya. Color Red kasi yung one piece ko!
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...