Habang naglalakad ako sa may eskinita pauwi, Kapansin pansin ang tingin ng mga tambay sa akin.
Gandang ganda nanaman ang mga hinayupak!"Hi Grim! Grabe talaga, bakit sumeksi ka ng ganyan?"
Ang baho. Lumapit ba naman sa akin si Oliver John o diba ganda ng pangalan. Pero dahil mukha syang nasabugan ng paminta, OJ ang tawag sakanya ng mga taga dito.
"Hoy lumayo ka nga-" Ang baho ng hininga mo gusto kong sabihin sakanya. Pero dahil tropa sya ni Jec, medjo mabait ako sakanya.
"Anong sikreto mo share mo naman dyan!"
"Mag vitamins ka kasi OJ, baka pati laman loob mo tumaba! " At mawala ang singaw ng katawan mo.
"Sana all!"
Iniwan ko na sya sa kanto. Parang gusto ko kaagad maligo.
Pagkarating ko sa bahay, naligo na nga ako agad agad. Wala naman si Jec mukhang umawra.
Nasa higaan na ako nang buksan ko yung envelope na bigay ng WC. First assignment ko 'to!
"Hoy grimmie!"
"Ay tipaklong!"
"Anong tipaklong? Grim ah. Ang sexy ko namang tipaklong"
Lechugas si baklitang Jelson lang pala.
"Illusyunada ka te. Alis ka nga here"
Nakita nya yung envelope galing sa W.C
"Wow ah! Sa raket mo yan?"
Inirapan ko sya. Malamang!
"Oo kaya Jec , shoo shoo! Go away!"
Alam kong may violent reaction nanaman sya.
"Haaay grim, pwede ba akong pumasok dyan sa W.C? Recruit mo ko girl"
Sinabi ko na kasi kay Jelson ang tungkol sa raket ko. Nung nagtre-training kasi ako, lagi akong may pasa, bugbog at pagod. Kaya nag alala na sya. Akala nya yung raket ko is maging punching bag sa gym. Siraulo. Kaya sinabi ko nalang sa kanya ang totoo.
"Jec, di ka pwedeng sumali. Pangalan palang ng grupo namin di ka na qualified. Aray!" Batukan ba naman ako.
"Gaga ka! Porket Women's Crown lang naman name ng grupo nyo di na ako pwede sumali kasi di ako women? Ganern?"
"Yupppppp" Ang saya lang inisin ni bakla.
"Maka gora na nga! Tse! Wasted ang beauty ko sayong babae ka" sabay irap nya saakin. Pupunta nanaman yun sa mga tropa nyang payatot.
Pagka-alis ni Jec, binuksan ko na yung envelope.
Binasa ko na ang 1st profile ng target ko.
NAME: Ben G.
Hmm.. mukhang makaluma ang pangalan. Mga 60 years old na 'tong target ko. Madaling itumba.
HEIGHT: 5'9"
Medjo matangakad. 5 flat lang ako eh. Kutusan ko sya ng swiss knife sa leeg.
HANG OUT: Underground Club, EW.
Aba laging nasa bar. Rich tanders.
MISSION: Befriend him, Spy him.
Easy. Kakaibiganin lang pala. Hindi ko pa pala papatayin. Nagpasalamat naman ako sa WC dahil hindi pa talaga ako ready pumatay. Pumatay nga ng ipis nagdadalawang isip pa ako eh. Tao pa kaya?
Pero isang papel lang ang nandito. Walang picture? Halos mapunit ko na yung envelope baka may secret pocket dito. Waley!
Hindi naman kasama sa training ko na isa-isahin ko lahat ng may pangalang Ben G. Ano ako NSO?
Hanapin ko na nga lang sa facebook, waley naman. Baka matandang hukluban kasi 'to na hindi alam ang salitang facebook. Befriend and spy him lang pala ang mission ko eh akala ko mamamatay na agad ako. Exciting!
DyosaMarie
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
قصص عامةA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...