"Girl gising na huy!"
Nasa dreamland pa ako. Bakit ko naririnig yung boses ng baklitang 'to. -_-
Personal space pls! Personal-BLAAAAG-"Aray ko naman Jec" Leche. Lips to lips with the floor. Hinila ako pababa ng kama.
Naramdaman ko tuloy yung sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung training na ba 'yun. Basta lagi ako sinasamahan ng WC mag running. Running talaga hindi jogging.
Nung unang araw, mga 5km lang yung running namin. Dapat matakbo ko yun in 30 minutes. Nakaya ko naman. Pabibo ako eh.
Dumating ang pangalawang araw na 10km na dapat ang itakbo ko sa loob ng 30 minutes. Ano ako, kabayo?
"Eh ayaw mo gumising. Nagiinarte ka pa! Anong oras ka na ba nakauwi kagabi aber?"
Makapag tanong naman to parang ama lang -_-"Tsk. I'm tired. Galing ako sa bagong raket ko. Let me sleep" speaking of bagong raket, naalala ko ang huling sinabi ni Anna-
"DON'T YOU DARE FALL INLOVE IN THE PROCESS"
Lagi akong kinakausap ni Anna. Briefing daw ng mission ko. 'Yan lagi yung binabanggit nyang pang closing remarks. Bakit naman ako maiinlove sa mga masasama? Tska siguro naman matatanda na yung mga yun.
"Bagong raket? Ano? Nagtutulak ka na?"
Binato ko nga ng unan!
"Gago! Di ako adik!"
Mukha bang papasok ako sa ganun? Kahit desperada ako sa pera eh may dignidad parin ako. Ganda ko kaya.
"O sya, aalis muna ako ah. Pinapauwi ako ni Tyang Amy. 3 weeks ako dun girl, Mamimiss kita!"
What? 3 weeks ang tagal naman. Kapag pinapuwi sya ni Tyang sa probinsya mga limang araw langa ah bakit tumagal ngayon.
"Ang tagal naman Jec! Dapat ginawa mo ng isang taon " Binatukan nya ako. Aray.
Pagkaalis ni Jec tska ko palang na feel ang lungkot, ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Ay! Mag eenroll pala ako muntik ko ng makalimutan yung edukasyon ko.
Nagmadali akong naligo at nagbihis. Dinala ko narin yung I.D ko. Pagpunta ko sa school eh nagenroll na agad ako.
Nakapag enroll naman ako kahit mga limang oras akong nakapila. Salamat naman at nasa star section parin ako. Nagbunga yung pangongopya ko sa mga kaklase ko. Charot!
Habang pauwi ako, feel ko may sumusunod sa akin. Peste kasi inabot ako ng hapon sa pag eenroll. Ang haba parin kasi ng pila.
Lingon. Wala.
Baka yung mga tambay lang yan sa kanto.
Lingon. Wala.
Naku baka nagandahan sa akin.
Lingon. Wala.
Ay sows! Paranoid ka lang Grim.
Lingon. Meron.
Lumingon ulit ako. Por dyos por santo! May sumusunod sa aking mga lalaki!
Pucha! Ano ba yon? Bakit may sumusunod sa akin?
Binilisan ko ang takbo buti nalang nasanay ako sa pagsigaw ni Anna ng "Faster you fat bitch!" Na motivate ako.
Nakakita ako ng basurahan. Tumalon ako at nagtago sa loob. Muntik ko pang makain yung diaper punyeta ano ba kinain ng batang ito? Buti nalang at maliit ako kasyang kasya ako dito.
Napadasal ako. Katapusan ko na ba?
Hindi ako sikat para may humabol sa akin na tatlong lalaki!
"Ang bilis naman tumakbo ng babaeng yun!"
Narinig kong nagsalita yung isa nilang kasama. Ayoko sumilip baka makita nila ako. Nasa tapat ko pa kasi sila tumigil!
"Fvck Kailangan makumbinsi natin syang wag na sumali sa W.C"
Hinihika na ata yung isa. Naririnig ko sa boses nya na may katabaan 'to kaya hindi sanay sa takbuhan.
W.C? Ano yon? Saan ko ba gustong sumali? Maliban sa PBB eh wala na 'kong gustong salihan.
"Leave her be. Makikita rin natin sya at mapipigilan" sabi ng baritonong tinig. Juicecolored! Ano pong kasalanan ko?
Narinig kong umalis na sila. Tinaas ko yung takip ng basurahan. Nakita kong sumakay sila sa pulang mamahaling sasakyan. Nang nawala na sila, umalis narin ako sa pinagtataguan ko at nagmamadaling umuwi.
Bakit nila ako pipigilan sumali sa W.C? At ano ba yung W.C? Sakit sa ulo kong tanong habang nakahiga ako sa kama.
W.C- hmmm Wimbledon Challenge? Naaah.. Di ako sumali sa tennis.
W.C- hmmm Wrestling Challenge?
What! Hindi naman pang wrestling katawan ko ah?W.C- hmmm Women's Cry?
Huh? Ano ba tong iniisip ko?
Women's? Women? W.C?
Napaupo ako bigla sa kama.Women's Challenge!
Haaay di naman ako sumali dun. Last year pa kaya 'yon at di ako nanalo.Teka.. W.C. Women's Crown?
Bakit nila ako pipigalang sumali dito? Huli na sila sa balita.DyosaMarie
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...