Chapter 41

70 17 7
                                    

"Saan  ba tayo pupunta?"

As usual, wala paring sumagot sa akin. Lahat ng kasama namin sa likod tulog na.

Mga 3 hours na kami nagbyabyahe. Mga puno at talahib na ang nakikita ko kaya alam kong malayo na kami sa Manila.

"Uie.. Ben saan ba tayo pupunta?

Kinalabit ko sya. Ang pogi nya habang nagdra-drive. Nakashades sya na Rayban. Ako yung shades ko sa palengke lang. 50 pesos.

"Wifey naman, wag kang magulo. Matulog ka nalang din kaya."

Wifey.. Bakit ba ang dami nyang tinatawag sakin? Kanina babe, baby, my love ano ba yan!

"Teka nga, wala ka bang standard name for me? Nakakalito eh. Mamaya ginagamit mo sa chicks yung mga yon."

He chuckled.

"You know.. Lahat ng endearment na tinatawag ko sayo.. Ikaw lang lahat yon! Ok?" He pinched my nose. Argh.

"Love you. I have a surprise for you."

Napatingin ako sakanya. Surprise nanaman? Kung ganito pala ang feeling ng may jowa ang tagal ko na sanang lumandi!

"Ano yon?"

"Secret. Pagdating na natin dun. Excited masyado babe? Sleep ka muna."

He touched my leg. Napatalon ako.

"Hoy! Tsansing ka na naman ah!"

"Psh." Nag concentrate nalang sya sa pagdra-drive.

*flash*

Ay leche! Napatingin ako sa likod ko.

Ayun, mga nakangising mga kaibigan ko. May hawak na camera.

"Ang cute nyo! Ayieeee!"

Parang kinikiliti nanaman si Dianne.

"Baby, mas nakakakilig pa tayo dyan"

Nagulat ako sa bulgarang paglalandian ng dalawang 'to.

Nilakasan ko yung stereo dahil maganda yung kanta.

Hey, I was doing just fine before I met you
I drink too much and that's an issue but I'm okay
Hey, you tell your friends it was nice to meet them
But I hope I never see them again
I know it breaks your heart
Moved to the city in a broke down car
And four years, no calls
Now you're looking pretty in a hotel bar
And I can't stop
No, I can't stop

So baby pull me closer in the backseat of your Rover
That I know you can't afford
Bite that tattoo on your shoulder
Pull the sheets right off the corner
Of the mattress that you stole
From your roommate back in Boulder
We ain't ever getting older

Napatingin ako sa likod nang sumabay sila sa kanta. Napatingi ako kay Ben. Sumusukyap sya sa akin habang kumakanta. Binuksan namin 'yung bintana habang malakas ang boses na sumasabay sa kanta.

Narealize ko na mas importante ang iilang kaibigan kaysa sa marami ngang kaibigan hindi ka naman sinusuportahan. Tumingin ako sa mga kaibigan ko, kahit kulang kami super thankful ako dahil nakilala ko sila.

Maya maya lang parang lumulutang ako.. Yung totoo? Panaginip ko ba 'to. Nakatulog pala ako habang nagkakantahan kami sa kotse.

Ang sarap ng simoy ng hangin,. Naririnig ko rin ang lagaslas ng tubig.. Parang nasa dagat ako? Ang lamig.

Sana kasama ko si Ben.. Sarap nyang yakapin pag ganito..

"Hmmmm"

Yan nalang ang nasabi ko kasabay ng pagsmile ko na masarap ang feeling ko.

"Wala na, baliw na talaga. Bakit mo ba 'to minahal Ben?"

"Oo nga fafa, dapat ake neleng eh!"

Teka- bakit narinig ko sa panaginip ko ang bakla? At nagtatawanan sila.

Napamulat ako ng mata. Nakita ko si Jec and Earl na nakatingin sa akin. Nanlaki lalo ang mukha ko nang  nakita ko si Ben. Smiling at me.

Wah!

"Gising na" Ang husky ng boses.

Bumaba ako sa pagkabuhat nya.

Nilibot ko ang paningin ko. Ang ganda ng lugar.. May malawak na kulay asul na dagat at maputi at pinong buhangin.

*flash*

Napalingon ako sa hudas na kumuha ng litrato.

"Beautiful."

Lumapit sya sa akin. Naamoy ko na yung pabango nya. Ang sarap sa ilong. He lowered his head. Hahalikan nya ako!

Napapikit ako. Naramdaman  ko na lang na naka steady sya. Ang tagal naman!

"Love, Welcome to my place."

Napamulat ako sa sinabi nya. May inabot syang flowers.

"Uh- what? Your place?"

Sakanya 'to? Isang malaking bahay, plus magandang beach property? Heaven!

"Yes. Actually, sa parents ko, But since they died, ako na ang nag alaga  ng mga properties nila"

Kalungkot naman. Siguro mas maganda if nandito yung mga parents namin.

"Hey.. Are you ready to tour this place my Queen?"

Nag bow pa sya. Kinikilig nanaman ako at alam kong may maninira nanaman sa kilig na 'to.

"Hoy! Kakaen na! Ang lalandi nyo talaga tsk."

Sabi ko na eh.

"After lunch ok?" Tumango lang ako.

Pagpasok namin sa bahay, dumoble ang saya ko. Ang daming pagkaen eh!

Tumakbo agad ako sa upuan. Nakita ko kasing nakaupo na sila eh. Kami nalang ata ang hinihintay.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Ben.

"Gutom na gutom babe?"

Napatingin ako sa plato ko. Parang bundok lang. Ang dami ko palang kinuha. Narinig kong nagtawanan sila. Sinamaan ko sila ng tingin.

Syempre magkakatabi ang mga mag jowa! Si Jec lang ang kulang.

"Teka nasaan si Jec?"

"Hoy ate! Sino ka ba? Kapal ng feslak mong makapag hanap sa jowa ng bestie ko ah!"

Napatayo ako nang narinig kong may sinisigawan si Jec.

Nakita ko syang papunta dito at may kasunod sya. Tunog ng heels, at masamang aura nya, alam kong masisira ulit ang kasiyahan ko.

"Excuse me, you parasite, Ben is my boyfriend. He's mine."

Napasinghap lahat sila nung narinig nila yon at parang mahihimatay ako nang nakita ko kung sino ang pumasok.

Diba dapat nasa kulungan 'to?

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon