"Hala Ben! ang mahal ata dito"
Dinala ako ni Ben sa isang expensive resto para mag lunch. Tahimik lang kami kanina sa sasakyan nya. At nagulat ako nang may napansin akong hoodie sa passenger seat. Hindi naman ako nilamig pero kinilig ako ng very slight na natandaan nya pa na lamigin ako.
"Sinabi ko bang ikaw magbabayad?" Sagot nya.
"Huh? Eh sino? May kasama pa ba tayo dito? Sino? Di ko ba nakikita? Waaah! Tell me!"
He clicked his tongue and then laughed.
"No. Silly, ako ang magbabayad"Sabi ko nga eh. Shunga mo talaga Grim.
Pinaupo kami ng waiter malapit sa bintana. Pagkaupo namin parang gusto ko na umuwi.
Ano 'to date? First time ko kasing kumain sa labas na may ibang kasama. If may pera kami ni Jec kami lagi yung magkasabay kumain.
He cleared his throat.
Kailangan kong dumaldal. Baka mabored sya sa akin!
"Tell me about yourself, Grim"
Ano daw?
"Huh? Interview ba 'to?"
Natatawa kong sabi pero deep inside natutuwa ako. Interested sya sa akin? Haba ng hair mo Grim.
"Ofcourse. Im your new friend here and hindi pa kita masyadong kilala. "
He smiled.Gaaaahd. That smile. Pwede na kong mamatay. Yung dimples nya, yung mata nyang parang nangungusap-
"Maam/Sir May I take your order please?"
"Sya. Sya yung order ko"
"Ahm excuse me maam?"
"Ay! Wala wala yung order ko pala ano.."Ano ka ba grim! Ano ba yung sinasabi mo juicecolored! Nakalapit na pala sa amin yung waiter hindi ko napansin. Sareeh na.
"You're funny Grim. I like you."
I........
LIKE......
YOU......Bakit parang I LOVE YOU na ang feeling ko? Harot mo Grimmie.
Sa buong lunch, tawa sya ng tawa sa mga kwento ko. Clown ba akech?
"Yes! Tapos sabi ng kaklase ko, uy, Grim may c.r dun oh. Tumae ka na dun"
"Hahaha! Buti nga di ka natae sa palda mo eh. Ako kaya sa brief ko pa"
The hell? Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Napadpad pa yung usapan sa most embarassing moments namin nung elementary.
"Seriously?? Sa kapogian mo na 'yan?"
"Yes. ' Wag mong gawing pang black mail sa akin yun ah"
Iniimagine ko na yung little Ben while holding his shorts. Ang cute!Sa buong lunch nagkwentuhan lang kami. Sobrang saya ko. Hindi na nga namin namalayan na pagabi na pala. Tawa kasi kami ng tawa. Naging komportable kami agad sa isat-isa.
Hinatid nya ulit ako sa tapat ng Ministop. Nakakainis nga dahil naudlot yung mini concert namin sa sasakyan nya. Ang ganda kasi ng playlist nya!
Nakababa at nakapag paalam na ako sakanya nang narinig kong nagbukas-sara yung kotse. Napalingon ako. Naglalakad sya papunta sa akin.
"Ihahatid kita sa bahay nyo"
Halatang mayaman talaga sya. Ang kinis kasi ng kutis!
"Hala, Huwag na Ben! Baka mapa ano yung kotse mo" Maraming tambay dito. Baka pagbalik nya wala na yung gulong ng kotse nya.
"I insist. Ihahatid kita hanggang sa pintuan nyo"
Yumuko sya at medjo nagbend ng knee para maglevel yung mukha naming dalawa. Naaamoy ko nanaman yung hininga nya. Ang bango lang, pero bakit parang may naaamoy akong kakaiba?
"Pucha Grimmie, big shot 'yang jowa mo ah!"
Kaya pala. Nandito nanaman sa tabi ko si OJ kaya pala bumaho!
Napaayos ng tayo si Ben at biglang umakbay sa akin. Hindi nya pinansin si OJ kaya hindi ko narin pinansin si payatot.
Napahinto ako sa may pintuan namin.
"So this is my house. Actually I'm living with my bestfriend"
Tumango sya at pinagmasdan yung apartment namin. Tumingin sya sa kanan nandun yung mga triker tomotoma nanaman. Tumingin sya sa kaliwa nagtatawanan yung mga tambay.
Tumingin sya sa akin. Ang lamlam nanaman ng mga mata nya. 'Yung mga matang may gustong sabihin.
Hinawakan nya yung pisngi ko. Buti nalang makinis na ulit. Thanks skincareroutine.com
"Be careful" Mahinang pinisil nya yung mukha ko at umalis na.
Sinundan ko sya ng tingin baka mapagtripan ng mga tambay sa kanto. Pero parang natakot pa yung mga payatot nang tingnan sila ni Ben.
Pagpasok ko sa bahay at naglinis agad ako ng katawan at nakatulog.
"DON'T YOU DARE FALL INLOVE IN THE PROCESS"
"DON'T YOU DARE FALL INLOVE TO YOUR TARGET"
Leche! Bakit si Anna pa ang napaginipan ko?
Napabalikwas tuloy ako at uminom ng tubig. Katakot kaya yung amazonang Anna na 'yon! Anong oras na ba? 7am. The heck. Anong gagawin ko, wala namang pasok. Hindi rin ako pwedeng pumunta sa W.C hangga't wala silang sinasabi.
Ah! Alam ko na.
"No grim ayoko!"
"Sige na Jec! Please Im so bored. Punta tayo sa mall!"Si Jec ang naisipan kong pestehin. Kailangan kong mabura ang mukha ni Anna sa isip ko. Kaloka ang galit ni ate!
"Wala akong anda grim. Sooo sareeh"
"Treat ko!"
"Yown! Dapat kanina mo pa sinabi! Kaimbyerna to. Witet lang ligo lang akech."Hayop talaga 'tong baklita na ito. Libre lang pala ang magic word.
Nag ikot lang kami sa mall, Tapos kumain, manunuod din kami ng sine.
Nakakapit pa ako sa braso ni Jec, Kung hindi lang talaga 'to bakla, Naku! Pogi! Pogi! Hindi kasi sya cross-dresser so, lalaking lalaki parin talaga pumorma. Ang bango bango pa-
"Grimmie?"
I. Know. That. Voice
"Oh! Hi Ben!" Napalingon ako sa likod namin.
Then I saw it. In his eyes. JEALOUSY.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...