Chapter 35

79 23 14
                                    

Sa 20 years ko dito sa mundo, Never ako nag expect. Kasi kapag nag expect ako, Masasaktan lang ako.

Kaya sa mga nakalipas na birthday ko, simple lang 'to. Basta kasama ko si Jec, masaya na ako.

Pero iba ngayon. 21 na ako at nag eexpect ako.

Ineexpect kong darating si Jec.

Ineexpect kong babatiin ako ng WC.

Ineexpect kong isusurprise ako ng boyfriend ko.

Ineexpect kong hindi ko na maaamoy 'yung hininga ni OJ.

Sana pala hindi nalang ako nag expect.

Maaga akong nagising ngayon. Birthday ko kasi? Nah. Nag assume ako na makakatanggap ako ng mga sweet messages galing sa WC at kay Ben.

Chineck ko na agad ang FB, Twitter, and Insta ko. Puro mga classmates and iilang friends ko lang ang bumabati.

I checked my phone. Empty. Wala ni isang nagtxt or nag call. Leche 'yun si Jec. Dati, 12 AM palang binabati nya na ako thru text.

Si Ben? Boyfriend ko sya right? So dapat I feel special today. Pero ayokong mag demand sa kanya. Anong sasabihin ko? Baka nga hindi nya alam na birthday ko eh.

Grimmie maaga pa lang. Baka tulog pa sila. Sabagay. Makapasok na nga sa school at malapit na matapos ang demo teaching.

Habang palabas ako sa ekinita ay may nagkukumpulang mga tambay sa labas ng bahay namin. Napaatras agad ako nang lumapit si OJ at may dala dalang bulaklak.

"Pwede na kitang ligawan, Grimmie!"

Pwede na rin kitang patayin.

"Wow! Maraming salamat OJ, ang ganda ng mga bulaklak kaninong puntod mo ito kinuha?

Pang patay na bulaklak 'yung binigay sa akin ni payatot.

"Kay Aling Josie ko 'yan kinuha, big time kasi mga anak nun, ang daming bulaklak ang nilalagay sa puntod nya"

Hinagis ko sa mukha nya 'yung bulaklak.

Naglalakad na ako sa school at hindi ko mapigilang ngumiti nang batiin ako ng mga classmates ko.

"Grim! Happy Birthday!"

"Uy Grim ang jonda mo na! Happy Birthday!"

"Grimmie!!Pakanton ka naman!"

"Grimmie 21 ka na? Grabe yung height mo parang ten yrs old parin ah! Happy Birthday!"

Kahit papaano naman nawili ako sa school. Kaliwa't kanan ang bati sakin. Pero may kulang eh.

5PM na.

Pero yung mga ineexpect kong mga tao na babati sa akin, wala.

Well, I guess, Im not that special. Hay buhay.

Pauwi na ako nang may naramdan akong sumusunod sa akin.

Lingon- wala.

Damn! Paranoid na ba ako?

"WC ka diba?"

Bigla ko nalang narinig 'yun sa likod ko. At nararamdaman ko ang matulis na kutsilyo na nakatutok sa tagiliran ko.

Lord. Thank you at nakaabot pa ako sa birthday ko.

Manlalaban na sana ako.

"Wag kang manlaban. Hawak namin yung bestfriend mong bakla! Papatayin namin sya kapag di ka sumama"

Shit! Si Jec? Ako nalang ang patayin wag lang sya.

Tumango lang ako at sumunod sa lalaking naka helmet.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon