Chapter 28

91 22 21
                                    

"Girl magsaya ka naman! Jusko naman yang fezlak mo parang ikaw yung ikakatay sa Yulin Festival."

Potek. Dinagdagan pa netong bakla na 'to yung kalungkutan ko. Nandito na kami sa Underground Club. Tinawagan ko nalang si Jec na pumunta dito. Hindi pa ako nagpapalit mg damit tinungga ko na agad yung alak sa harapan ko.

"Girl! Ayun oh may Hottie! Jusme! Ulam na ulam!"

Ang ingay talaga sa lugar na 'to. Nasaan na ba yung WC? Sila nagyaya dito.

"Pota! Sasampalin na kitang babae ka!"

What the- Sinampal talaga ako!

"Aray ko namang bakla ka! Ano ba! Nag iisip ako ok?"

Ang sakit ng sampal! Parang may hinanakit!

"Wow! Te! Kung nag iisip ka dapat sa library ka pumunta o saang lugar na tahimik! Eh dito mo ako dinala sa bar! Shunga ka ba?!"

Bakit ko ba gustong mag pakalasing? Aba naman sa nakita ko kanina sino hindi mapapainom? Diba! Leche yung boss ko pala jowaers yung mahal ko kamusta naman yon? Nakita ko pang naghahalikan sila? Potek! Mapapa "sana all" ka nalang talaga.

Sa kakaisip ko nun, bigla ko nalang ininom yung alak na nasa harap ko. Hindi ko alam tawag dito dahil hindi ako pala-inom. At pwe! Ang panget ng lasa!

"Hoy! Teka lang! Ano ka ba! Dahan dahan lang! Jusmiyo! Haggardo Versoza ang beauty ko sayo pag nalasing ka!"

Pilit nyang inaagaw yung baso ko kaya binigay ko na sakanya.

"Akin na! Jumorder ka pa nga dun!"
Gusto ko pang magpakalasing!! Kampay!"

Naghahalikan sila ok sige, hahalikan ko naman yung mga alak dito.

"Seryoso ka? Kapag ikaw nalasing, papagapangin kita pauwi!"

"Oo! Dami pang shatshat gorabels!"

Hindi ko alam kung ilan na yung nainom ko pero ang sarap sa feeling.. Nakalimutan ko lahat ng problema ko sa buhay.

Tagay lang ako ng tagay dito. Pate nga yung alak na nasa bote tinungga ko na.
Ininom ko na lahat ng sama ng loob ko pate mga brokenhearted dyan! Don't worry ininom ko na rin kayo!

Nakalimutan ko si Jec na dada ng dada tungkol sa mga fafa dito.
Nakalimutan ko yung mga aso na ikakatay sa Yulin Festival.
At.. Nakalimutan ko yung halimaw na yun na kahalikan ng boss ko.

"Omg! Are you drunk?"

Napatingin ako sa color pink na taong nagsasalita sa harapan ko.

"Anong nangyari dyan Jec?"

"Hay naku Anna, edi sabog nanaman yung puso ng gaga na 'yan"

Inangat ni Dianne yung mukha ko.

"Bakit ang shagal nyo makapunta dito? Lasheng na ako!"

Umiikot na talaga yung paningin ko. May narinig akong tumatawang mga lalaki.

"Boss she's wasted"

"Gago ka kasi ano bang ginawa mo?"

Hindi ko na sila pinakinggan at pumunta na sa dance floor. Magaling naman ako sumayaw. Malambot rin yung katawan ko parang kay Lisa ng Blackpink. Mag pa bangs narin kayo ako?

"Hey pretty, ang galing mo namang gumiling"

Napatingin ako sa lalaking kalbo. Ang puti ng ngipin, pero bakit ang sama ng hininga?

"Huwag ka ngang lumapit sa akin, mukha kang bola"

Tinulak ko sya. Bigla nya akong hinila papunta sa katawan nya. Ang baho.

"Aba, ikaw na nga sinabihan ng maganda aarte ka pa!"

Parang natanggal yung amats ko sa sinabi nya, Bakit feel na feel ng mga lalaki na kailangan namin marinig 'yung mga salitang 'beautiful, ganda, pretty' na galing sakanila? Hindi namin kailangan ng validation mga gago!

Hinigit ko yung kamay ko at malakas syang sinampal.

"Umalis ka na sa harapan ko baka gawin kitang fish ball"

May mga tumawa sa likod ko. Naka agaw pansin na pala kami.

"That's my girl" Liningon ko yung bumulong sa tenga ko.

Bakit nandito si Ben? Nalalasing nanaman ako sa mga mata nya. Tapos napatingin ako sa labi nya. Naalala ko may kahalikan pala syang iba.

Tumakbo ako papunta sa CR dahil bigla akong nasuka.

Sumusuka ako habang naiiyak.

"Fuck Grimmie, I told you to stop crying over a man!"

May humawi sa buhok at may humahaplos sa likod ko. Lumingon ako. Sina Dianne at Anna pala.

"Eh kasi nakita kong magkahalikan si Ma'am Angel at Ben kanina sa office!"

Sumbong ko sakanila. Binigyan naman ako ni Jec ng tubig. Bakit nakapasok ito sa CR ng mga girls?

"Angel? Sino 'yun?"

Tiningnan ko si Anna. Napatingin naman sya kay Dianne.

"Yung boss ko nga! Si Ma'am Angel Olivia Calay! Maganda sya! Mas maganda sya sa akin! Waaaah"

Hagulgol ko. Iyak lang ako ng iyak. Biglang napatayo si Anna at Dianne. Naiwan kami ni Jec.

"Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan! Ayoko na magmahal! "

Sinigaw ko iyon at lumabas na. Pumunta ako sa table namin at lumaklak pa. Ang sarap pala uminom?

"Pota Grimmie tama-"

Teka.. Parang may bumubuhat sakin? bakit parang ang bango? Shet! Hindi to si Jec! Kasi amoy babae si Jec eto.. Amoy.. Masarap

"Bad Girl"

Ano daw? Bad Girl sino? Ako?

A/N
Please Pledge/Support the campaign for #StopYulinFestival. It breaks my heart. Sooo muuch.

Dedicated to MySweetDisguise and to your friend @smilemilkyway I love her story btw! :)))

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon