Chapter 21

92 26 19
                                    

Pumikit sya ng mariin. Parang nahihirapan syang magsabi sa akin. Akala ko ba mahal nya ako? Lahat naman ng problema nya or nagawa nya kaya ko namang tanggapin lahat ng 'yon, magsabi lang sya sa akin ng totoo.

"Grimmie, kaming LIMA- ako, as the leader of our so-called "gang", Earl, Cyril, Emong, and Aldrin, Are bestfriends since elementary. You know, they say na mga bully daw kami, pero hindi. Inaaway lang din namin yung mga batang nang bu-bully at mga pasaway."

"So? Super hero kayo? Ganern?"

"You want to hear the story or not?"
Ay. Taray ng lolo mo.

Sige shut up nalang ako.

"Sorry, please continue" Nahiya ako ng very slight.

Napabuntong hininga sya.

"Hanggang dumating ang high school na kinakatakutan  na kami. Pero dumating ang W.C, sila lang ang hindi natatakot sa grupo namin. Sobrang nagulat kami and humanga sakanila, kaya kinaibigan namin sila and then one night, pinatay ang mga magulang namin. Sobrang sakit. Di kami makapaniwala. Kaya umalis kami sa bansa to cope and to move on. Then nung mag college kami, kinuha kami ng government para magtayo ng isang secret agency. Then binuksan namin ulit ang kaso ng mga magulang namin and guess what who murdered them our dear parents? Your group of friends, Women's Crown"

Nanigas ako sa upuan ako. Ano? Ano yung sinabi nya. He must be joking right?

"What? Niloloko mo nanaman ba ako?"

Pero alam kong hindi. He looked hurt and serious.
Namumula na yung mga mata nya.

"Our parents were murdered, Grimmie!"

Mahina pero madiing sabi nya sa akin.

Shock. Hindi yun electricity na galing sa kamay ni Ben.
Shock dahil sa mga sinabi nya.
Parehong pareho sila ng W.C
Pareho sila ng kwento.

"Bakit parang gulat na gulat ka Grimmie? Hindi ba nila sinama sa folders mo na ang parents nila ang pumatay sa mga magulang namin?"

Bakit alam nya yung tungkol sa mga folders? Secret agency nga pala.

"Don't ask. Go on" Hindi ko pwedeng ipahalata na may alam ako.

"That's it. Gusto naming makita ang W.C at pagbayarin sa lahat ng nagawa nila sa amin. Grim, tell me nasaan sila? May nakapagsabi saming patay narin ang mga parents nila pero hindi kami naniniwala. Gusto rin namin ang katotohanan. Kaya pakisabi dyan sa grupo mo na handa kaming makinig for their explanation. Just tell them"

Malungkot na pahayag nya sakin. Pakiramdam ko talaga may mali eh. Sino sa dalawang grupo ang nagsasabi ng tama?

Namumula yung mga mata nya nang maalala yung mga magulang nya. Gusto ko syang icomfort, but how? I don't know him anymore. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi ko masabi yung last name ko sayo?"

Kasi baka i-stalk ko sya sa fb?

"My last name ay galing sa tatay ko. He's abusive to me and my mom. He's an alcoholic. Dahil sa pagiging lasengero nya ang dami nyang nagawang kaslanan. That's why I hate that fucking surname. "

Kaya pala nung nasa bar kami juice lang yung inorder nya. Akala ko wala syang originality eh.

"Pero nung last accident nya bago sya pinatay, nagbago sya Grim, habang nasa hospital sya humingi sya ng tawad sa akin. Kaya hanggang ngayon hindi ko mapalitan yung last name ko dahil hindi ko nasabi sakanya na napatawad ko na sya"

Tumutulo na pala yung luha ko. Pinunasan ko iyon. Ayokong makita nyang nasasaktan ako dahil alam kong dodoble yung sakit na 'yun sakanya.

"Im sorry.. pwede mo naman syang patawarin kahit hindi nya narinig mula sayo ang mga salitang 'yan Ben. Kasi alam nya na dyan sa puso mo, napatawad mo na sya"

Tumingin sya sa akin. He smiled. Totoo yung ngiti nya ngayon.

Ilang minuto kaming tahimik. Nakatingin lang sa isa't isa. Ang daming emosyon ng maya nya ngayon.

"May tanong pala ako, Who is Olivia?

Sana pala di ko nalang tinanong. Nanigas sya at hindi na lungkot ang nakita ko sa mga mata nya. Ngayon ko lang sya nakitang maging seryoso at magalit.

"I don't want to answer that"
Umiwas sya ng tingin sa akin.

"Why? Kayo ba? Girlfriend mo ba-"

"Wala kang alam!"

Kahit kailan, wala pang sumisigaw sakin ng ganyan. Galit na galit talaga sya.

Then, ginawa nya ang pinaka common na ginagawa ng mga tao kapag nasasaktan- nag walk-out sya.
Napatingin sa amin yung mga tao sa EW. Akala siguro may bugbugan nanamang naganap.

Hinawakan ko yung puso ko. Sumasakit nanaman sya.

Pinagmasdan ko yung likod nya habang paalis, kasabay ng pagpindot ko ng "STOP" sa recorder na dala ko sa bag.

A/N
Dedicated to suzuparuru , thank you sa pagvote lagi sa story ko!

DyosaMarie

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon