BRIDE IN THE MAKING

7K 90 1
                                    

DONNA'S POV

Matagal na akong nakahiga sa kama pero hindi ako dalawin ng antok.

Puro ako buntunghininga.Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko.

Napabuntunghininga ulit ako.Hindi ko alam kung tatawagan ko pa siya.

Baka bigla siyang umuwi kapag nalaman niya.

Hindi na lang...

Huwag na lang...

Tutal pirasong papel lang iyon ng kasunduan...

Ilang buwan lang naman ang hihintayin namin.


Nang umagang iyon, kinausap ako ni Ma'am Olivia.


"Bahala na... Siguro naman, maiintindihan ako ni Nicholo." Nasambit ko sa aking sarili.

"Donna, pumayag ka na. Kami na ang bahala sa lahat. Wala kang puproblemahin."

"Ma'am, baka puwede mo na ninyo akong bigyan ng konti pang panahon para makapag-isip"

"Dalian mo lang sana, Iha. Para naman kay Lola Natalia mo ang lahat ng ito"

"Bukas na bukas po, malalaman ninyo ang sagot ko"

"Aasahan ko 'yan ha!"

"Huwag po kayong mag-alala"


Pagkatapos ng trabaho ko sa mansion.

Lulugo-lugo akong umuwi sa aking one-room apartment.

Mayroong maliit na kama, isang maliit na lamesa, isang lumang personal ref at 5-layer na durabox para sa mga damit ko.

Ilang taon na rin ako sa kuwartong ito.

Hindi ko akalaing isang araw ay tuluyan ko na itong iiwan.

Inisa-isa kong inilagay sa isang lumang maleta ang mga gamit na higit kong kakailanganin. Ilang piraso ng damit na pang-alis at mga uniporme ko sa trabaho.


"Manang Bela, aalis na po ako mamaya. Hihintayin ko lang po si Hailey."

"Mag-ingat ka doon."

"Opo"

"Ma-mi-miss kita, Donna. Angtagal mo dito sa kuwartong ito. Hindi ko naisip na isang araw ay iiwan mo din ako"


Nagdrama pa ang landlady ko.

Alam ko naman ang totoo.

Nanghihinayang siya dahil good payer ako.

Kahit hindi gaanong malaki ang sahod ko, on-time akong magbayad ng upa ko.

Hindi na niya ako kailangang katukin sa umaga dahil kusa akong nagbabayad sa kanyang maliit na opisina sa unang palapag ng apartment na iyon.

Hindi ko nararanasan bungangaan ng agang-aga dahil lang sa upa ng kuwarto.

Niyakap ko siya.

Kahit ganoon ay mami-miss ko din naman talaga siya.

Pagkababa niya ay may kumatok muli sa aking kuwarto.


Si Hailey...


Ang aking kababata sa subdibisyong aming tinirhan dati.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon