Hindi lang doon natapos ang lahat.
Talagang hinding hindi sila tatantanan ni Rizza hangga't di nito nakukuha ang gusto kay Noah.
Matapos takutin si Donna at papiliin kung sino sa pagitan ng kambal at ni Noah, heto ay mayroon pa.
Nakatanggap ng death threat ang kanyang pamilya sa Hillton Towers kaya dinala nila ang mga bata sa mansion para maging ligtas.
Ngunit nasundan din ni Rizza ang mga bata doon kaya nangangamba ang mag-asawa na maaaring malagay sa peligro ang kambal.
Wala silang nagawa kundi magdesisyong dalhin muna sa Amerika ang magkapatid sa tulong na rin ng kanilang Lolo at Lola.
Lalong nabahala sina Donna at Noah nang malamang si Rizza ang may pakana ng lahat.
Umabot sila sa husgado.
Naapektuhan ang negosyo ni Noah.
Maagang dumating ang mag-asawa sa opisina.
Kasunod si Matthew at Daniel, sumunod din si Chloe at Sophie.
Nandoon ang kaba sa kanilang mga dibdib na baka magsara ang kanilang opisina.
Hindi nagpaiwan si Donna sa opisina.
Sumama ito sa meeting area para makinig sa usapan ng mga empleyado na puwedeng makaapekto sa kanilang trabaho dahil sa paninira ng media ng sabihin nitong isang smuggler si Noah.
Si Noah lang naman ang boss nila.
Matagal silang magkakasama kahit noong panahong muntik nang malugi ang kanyang negosyo.
"Sir, ano pong gagawin natin?"
"Don't panic"
"The news is so damaging. Not just to your business but also to us employees"
"This media is so pathetic. Hindi man lang marunong magtanong kung ano ang totoo."
"One-sided masyado ang network na yan lalo na pagdating sa balita"
"Masyado yatang influential ang nakabangga mo, Sir? Sino po ba?"
"Si Ms. Clarissa Samonte ang sumasabotahe sa atin. She declared war and let the war begin"
"Sir, magsasara po ba tayo?"
"Hindi iyon mangyayari..."
Hindi nakapagpigil si Noah at nasuntok nito ang mesa.
Napatayo si Donna. Napayuko si Noah.
"Sa pagkakataong ito, nakikiusap akong huwag ninyong iwan si Noah. Noong panahong wala ako, alam kong hindi ninyo siya iniwan. "
"Eh Ma'am, may pamilya din po kami"
"Oo, pare-pareho tayong may pamilya. Kami ni Noah ang nakikiusap na huwag ninyo kaming iwan sa panahon na kailangan namin nang makakapitan. Hindi naman ibig sabihin na magsasara na ang Madrigal Motors."
Tumayo si Matthew.
"Alam naman natin na kahit kailan ay hindi nasangkot sa anumang illegal na gawain ang negosyo ni Sir Noah."
Nakatingin ang lahat kay Matthew. Nakikinig at tinitimbang ang sitwasyon.
Hindi papayag ang binata na ipaubaya ng ganun ang kanyang pinaghirapan ng ilang taon.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...