MORE MISERY, MORE TO WORRY

1.5K 33 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Maagang tinulungan ni Donna si Mia.

Hindi maganda ang kalagayan ng matanda.


"Lola, dadalhin na po namin kayo sa ospital?" Sabi ni Donna.

"Donna, huwag na. Maya-maya lang ay okay na ulit ako. Huwag kang mag-alala, iha"

Lumabas na ito ng kuwarto. Umiyak ito sa tapat ng pintuan ng matanda.

Nilapitan siya ni Noah.

"Agang aga, umiiyak na naman ang aking asawa" pinahid niya ang luha ng babae. Niyakap siya ni Donna.

"Malungkot si Lola Natalia kaya lalo akong nag-aalala"

"Halika na, sabay na tayong mag-almusal."

Tahimik sa mesa ng umagang iyon. Walang nag-aaway na parang aso't pusa.

"Susunduin ba kita mamaya? " Tanong ni Noah kay Donna.

"Huwag na. Baka marami kang gagawin sa opisina"

"Huwag ka nang malungkot"

"Magiging okay pa kaya si Lola Natalia?"

"Hayaan mo at ipatatawag ko si Dr. Marquez para i-check si Mama" Sabi ni Mama Olivia.

Sa loob ng classroom, walang imik si Donna.

"Uy, Donna. Bakit parang Biernes santo ang mukha mo?"

"Nag-away ba kayo ng asawa mo?"

"Malungkot lang ako..."

"Bakit naman?"

"Kasi masama ang pakiramdam ni Lola Natalia"

"Di ba nabanggit mo ang kaso niya? May taning na siya di ba?"

"Oo at iyon nga ang inaalala ko"

"Friend, ganun talaga ang buhay. "

"Ilang buwan na ba? "

"Higit na ngang anim na buwan..."

"Tingnan mo, may bonus pa kayo. May ibang tinataningan na isang iglap lang patay kaagad. Buti ang lola mo talagang binigyan pa ng mahabang panahon. Cheer up, it's not yet the end of the world"

"Kapag nalaman ng lola mo na malungkot ka, malulungkot din yun. Ganyan pa naman ang mga lola, masyadong sensitive"

Napangiti si Donna. Totoo ang sinabi ng kaklase.


HAILEY'S POV

Nagkita kami ni Donna pagkatapos ng klase niya ng araw na iyon.

Sinabi niyang lahat sa akin ang komprontasyon nila ni Lauren at ang pagbubunyag niya ng kanilang sikreto.

Doon daw niya nalamang totoo ang kasal nila ni Noah.

At alam lahat ni Lola Natalia ang buo nitong pagkatao.

Nabanggit niya ang tungkol sa yamang iniwan sa kanya ng mga magulang na hinayaan niyang pagsawaan ng kanyang mga kamag-anak na sakim.


"Tama na ang pag-iyak"

"Nalulungkot ako..."

"Nalulungkot ka ba dahil baka matuluyan si Lola Natalia o dahil baka dito na rin nagtatapos ang maliligayang araw ninyo ni Noah"

"Ano ka ba? Magkakahiwalay pa ba kami kung totoo pala ang kasal namin. O ano sa tingin mo?"

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon