Hindi nagtagal ay lumipat na rin sa Hillton Towers ang mag-anak ni Noah at Donna.
Sabay nilang hinarap ang buhay pagpapamilya kasama ng kambal.
Mas doble ang kayod ni Noah dahil papasok na ang kambal sa darating na taon.
Samantala, binisita ni Donna ang kanilang tirahan.
Walang nakatira doon ngunit may katiwalang nangangalaga dito.
"Manang Yolly, kumusta po?"
"Ay si Ma'am Donna... Naku, kayo po? Kumusta?"
"Ano pong lagay ng bahay. Naaalagaan po ba ninyo?"
"Ay opo naman Ma'am. Tingnan po ninyo at malalago ang mga halaman. Yun pong mga halamang ipinadeliver ninyo ay mayayabong na ngayon"
"Talaga po!"
Hindi nakatiis ang kambal. Nagtakbuhan ito sa malawak na damuhan sa bakuran. Sanay sila sa mansion kaya malalakas ang loob nilang magtatakbo sa loob.
Bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan noong tatlo lang silang nakatira sa bahay na iyon hanggang sa tumira ang pinsan ni Papa kasama ang kanyang mag-anak.
Naging masalimuot ang kanilang buhay dahil doon ngunit tapos na ang unos na iyon.
Maayos ang kanilang negosyo kaya hindi niya problema ang kinabukasan ng kanyang mga anak.
Panibagong problema ang kanilang kinaharap bilang bagong mag-asawa.
Kaya handa siyang suungin ang lahat ng iyon kaya siya pumayag na magsama sila ni Noah.
Ngunit alam niyang si Noah ang mas mag-aadjust sa sitwasyon nilang dalawa.
Tumunog ang kanyang telepono.
"Nasaan kayo?"
"Dumalaw lang kami dito sa bahay namin. Pauwi na rin kami"
Nagulat si Donna ng patayan siya ni Noah ng cellphone.
Pagdating sa bahay, halatang galit si Noah.
Humalik siya sa asawa ngunit hindi ito tumugon.
"Galit ka ba?"
Yumakap pa si Donna.
"Yan ba ang gusto mo kaya pinilit mong makalipat tayo. Hindi ko gusto na wala akong madadatnan dito sa bahay. Ayoko ng kung saan-saan kayo nagpupunta ng hindi nagpapaalam sa akin"
"Noah, alam mo hindi ko gusto ang tinutumbok ng salita mo. Masama ba ang loob mo sa paglipat natin dito? Bahay natin to. Gusto ko dito tayo tumira"
"Hindi naman yan ang ipinupunto ko e. Ang gusto ko lang magsabi kayo kung saan kayo pupunta. Sasamahan ko kayo dooon, ihahatid ko kayo kung gusto ninyo, hindi yung kayo lang ng mga bata"
"Ako ang kasama nila at hindi kami mapapahamak kung iyon ang iniisip mo"
"Okay, I'm sorry. I admit. Hindi ako nagpaalam. Pasensiya na. Huwag ka nang magalit"
"Donna naman e. Hindi ako sanay na wala akong dadatnan sa bahay"
"Promise it won't happened again. Please, sorry na"
Tinabihan ng mag-asawa ang mga bata hanggang sa makatulog ang mga ito.
Binasahan ni Noah ng fairytales ang dalawa.
Dahan-dahan silang lumabas at naupo sa sala.
Tinanaw ang liwanag ng ilaw sa iba't ibang gusaling nakapaligid at tanaw nila sa Hillton Towers.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...