DONNA's POV
Umaga pa lang ay tinawagan na ako ni Niccolo.
Pilit niya akong pinaaalis sa mansion.
Hindi daw siya mapapalagay hangga't palaging nakabuntot sa akin si Noah.
"Baka naman mahal mo na siya at ginagamit mo lang na dahilan ang matanda"
"Niccolo naman, alam mo ba kung anong oras pa lang?"
"Wala akong pakialam... Alam kong nagbago ka na... Sa tingin mo, nagustuhan ko ang nangyayaring ito sa relasyon natin. Hindi ako makapapayag na patuloy kang paglaruan ng lalaking yan"
"Niccolo, utang na loob. Please naman... Konting panahon pa. Kapag umalis ako dito, para ko na ring pinatay si Lola Natalia"
"Hindi mo siya kaanu-ano. Bakit ganyan na lang ang pagmamalasakit mo sa kanila?"
"Naipaliwanag ko na ang side ko kaya hindi ko na uulitin pa ang nasabi ko na. Kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, e di sumakay ka na ulit ng barko"
"See, that's what I fear. Ngayon ipinagtatabuyan mo na akong bumalik sa trabaho ko... para ano? Para ma-enjoy mo ang pakikipaglandian mo kay Noah"
"Excuse me... How dare you talk to me like that? "
Pinatay na ni Donna ang telepono.
Patung-patong ang problemang dumarating at hindi ko na alang kung alin ang uunahin.
Kaliwa't kanan.
Hindi pa natatapos ang isa , heto at meroon na naman...
Hindi na ako makapag-isip ng tama.
Wala na akong maisip na matino.
Gusto ko munang takasan ang mundong ito.
Hindi bumangon ng maaga si Donna.
Narinig niya ang mahinang katok sa pinto ng kanyang kuwarto.
"Donna... Donna... Bangon na... Baka ma-late ka sa klase" Sabi ni Noah.
Nakasuot na ng pang-opisina ang binata.
Dati-rati ay siya pa ang maglalagay ng kurbata ng binata pero ngayon, inaayos niya ito habang pumapasok sa kanyang kuwarto.
Hindi umimik ang dalaga.
Hindi siya tuminag sa kanyang kinahihigaan.
"May sakit ka ba?" Lumapit ang binata.
Nakita niyang nakatagilid ang dalaga sa kama.
Nakita niyang lumuluha ito.
"Anong nangyari? Bakit?" Nag-aalalang tanong ng binata.
Umupo ito sa gilid ng kama.
Tumulo lang ang kanyang luha.
Pinahid iyon ni Noah.
"Tahan na... Gusto mo bang samahan kita dito. Hindi na ako papasok ngayon"
"Pumasok ka na... Okay lang ako"
"Okay ka lang? E iyak ka lang ng iyak... Hindi mo naman sinasabi kung anong problema"
"Pasok ka na... Baka madami kang dapat asikasuhin sa opisina"
Ang totoo, marami nga siyang gagawin sa opisina pero puwede niyang ipagkatiwala ang lahat kay Matthew.
Sinikap niyang pumasok pa rin sa trabaho.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...