JACOB'S POV
Si Donna ang tipo kong babae.
Mukhang na-love at first sight ako sa kanya.
Hindi siya maalis sa aking isipan.
Dahil masyado siyang mailap sa akin, sineryoso ko ang panliligaw sa kanya.
Hindi nagpaawat si Jacob.
Malakas talaga ang tama niya kay Donna kaya lalo siyang nagpumilit na napalapit kay Donna kahit anong iwas pa sa kanya ng dalaga.
Naghapong iyon, nagpasya ang binata na dalawin si Donna sa mansion.
Naglakas loob itong umakyat ng ligaw.
Pinapasok naman siya sa loob ng mansion.
Si Olivia at James ang tumayong magulang nito.
"Good evening Sir, Ma'am"
"Yes...And you are..."
"I am Jacob Suarez... Medical Student po ako ...Same school with your daughter, Donna"
"Ah okay... Please have a seat"
"Sir, Ma'am... nandito po ako para ligawan sana ang anak ninyo" Seryosong sabi ni Jacob.
Seryoso si James at bahagyang natawa si Olivia.
Nagulat si Jacob sa reaksyon ng babaeng kaharap nito pero muli itong sumeryoso.
"Sikat na neurosurgeon si Daddy sa Amerika at si Mommy naman po ay may clothing company dito sa bansa natin... Gusto ko po sanang makilala ng mabuti si Donna kaya pormal po akong humihingi ng permiso sa inyo kung papayagan ninyo ako"
Palabas na ng kuwarto ni Lola Natalia si Donna.
Napansin niya na may kausap sina Olivia at James.
"Donna, anak. Halika dito" Sabi ni James.
"Bakit po , Papa?" Mahinang sabi nito. Lumapit siya at nagulat ng makita ang lalaking kanina pa nilang kausap.
"Nandito ang kaklase mo... si Jacob. Mukhang umaakyat ng ligaw"
Namula si Donna sa sobrang hiya.
"Hindi ko po siya classmate. Med student po siya."
"Dito ka muna at mag-usap muna kayo" Naupo si Donna ngunit nanatili doon si James na para bang istriktong ama na nakabantay kay Donna.
"Papa, ano pa ba ang hinihintay mo dyan? Hayaan mo na silang mag-usap na dalawa"
"Ay, oo nga pala. " Tumayo ang lalaki at natatawa-tawa sa kanyang ikinilos.
"Paano ba yan?" Sabi ni James.
"Hindi ko din inaasahan ang ganitong sitwasyon"
"Para tuloy akong ... Mahirap palang magkaroon ng anak na babae"
"Feeling mo talaga, anak mo si Donna"
"Oo naman. Gusto ko talaga ng anak na babae"
"Kung anak lang talaga natin si Donna" Panghihinayang na sabi ng ina.
"Oo, anak naman talaga natin si Donna dahil kay Noah"
"Mukhang nagiging komplikado ang sitwasyon natin"
"Pag nalaman ni Noah ito, baka lalong magalit si Noah"
"Baka lalong mamrublema si Noah"
"Halata namang na-iinlove na ang anak mo kay Donna"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomantizmHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...