MORNING DELIGHT

1.6K 36 0
                                    

Masayang gumising si Noah.

Tiningnan ang natutulog na dalaga.

Hinalikan niya ito ng buong pagmamahal.

Ipinasok ang kamay sa loob ng kumot.

Dama niya ang hubad na katawan ng dalaga maliban sa bra at panty nito.


"Donna, totoo ba ang lahat ng ito. Ahhh! kay gandang panaginip sa umaga. Kaysarap gumising na ikaw ang una kong nasisilayan sa umaga. Hanggang kailan ang ganito...."


"Good morning, Noah" Ngumiti si Donna. Tumagilid ito at yumakap sa binata. Hinalikan siya ng dalaga sa pisngi. At walang pakundangang humalik muli si Noah sa labi nito.

"Good morning, Donna. I love you" Bati ng binata. Masayang masaya ito at kontento na rin kahit papaano.

"Sanay na ako sa good night kiss mo kaya hindi ako nakatulog kaagad" Sabi ni Donna.

"Ako din... Kung hindi ka pa lumapit sa akin baka hindi pa ako nakatulog" Pag-amin din ni Noah.

"Nauna ka ngang nakatulog"

"Hindi pa ako tulog..."

"So, nakatulog ka ng maayos"

Tumango ang binata at muling pumikit si Donna para matulog ulit.

"Gising na tayo. Mas magandang mamasyal ngayon habang maaga pa "

"Parang gusto ko pang matulog" Muling namaluktot si Donna at mahigpit na hinawakan ang kanyang kumot.

"Bangon ka na..." Sabi ni Noah habang umupo na ito sa kama. Pumasok sa banyo at nag-quick shower.

"Noah, paabot naman ng damit ko"

Inihagis ni Noah ang damit ng dalaga.

Nagpalit ng damit si Donna sa kabilang kuwarto.

Naka-two piece bathing suit ito ng kulay pula at may puting see through na itsurang damit na nakapatong sa katawan.

Mag-isa niyang tinungo ang dalampasigan habang nauna na sa mesa si Noah at nagkakape. Hinintay na lang niyang lumabas si Donna sa dining area.

Palibhasa ay wala si Donna, pinanunood niya ang mga babaeng naliligo sa dagat.

Napansin niya ang dalagang naka-two piece.

Maging ang mga lalaking katapat niya ng mesa ay doon din nakatingin.

Maganda ang hubog ng katawan nito sa likuran.

Puting puti ang kutis nito kahit sa malayuan.

"Grabe ang katawan..."

"Baka naman pagharap, e walang face value" Sabay tawa ng mga binata.

Biglang natawa si Noah.

Tama nga naman...

Minsan nga natatanso sila, kung puwede lang nakatalikod ang babae at huwag ng humarap.

Nagulat siya nang ilugay ng babae ang mahaba at alunan nitong buhok.

Napatakbo siya sa kuwarto ni Donna.

Wala doon ang dalaga kaya nagtatakbo itong bigla sa aplaya.

Nakasalubong niya ang babae sa may receiving area.

"Ah, yun pong kasama ninyo? Parang naligo po. Nakasalubong ko po kanina. Ang seksi nga po ng suot niyang two piece"

"Two piece?"

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon