WHAT'S GOING ON?

1.6K 39 0
                                    

Magaan ang pakiramdam ni Noah.

Nang mahospital siya, nakita niyang magiging mabuting asawa talaga si Donna kung ipapakita lang niya ang kanyang pagiging tunay na asawa sa babae.

Kitang kita niya ang pag-aalala ng babae sa kanya.

"Salamat sa pag-aasikaso mo sa akin"

"Ano ka ba? Si Lola nga natutulungan ko, ikaw pa"

"Ikaw pa na asawa ko"

Akmang hahalikan sana ni Noah si Donna pero umiwas ito.

"Bakit?" Bigla niyang naalala ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Lauren.

"Nag-away ba kayo ni Lauren?"

"Huwag natin siyang pag-usapan kapag magkausap tayong dalawa"

"Bakit? Nasasaktan ka..."

"Ayokong pag-usapan siya dahil ayokong naiinis ka...." nangingiti-ngiting sabi nito.

"Huh! Ako ,maiinis sa kanya.? Bakit?" Iritable nitong sagot.

"Tingnan mo, hayan, lumabas din ang totoo. Nagseselos ka ba?"

"Ako, magseselos sa kanya. No way..."

Hinila ni Noah ang babae at tinitigan ito.

"Yung totoo, nagseselos ka..."

"Hindi...

"Uy selos siya..."

"Sus, nagseselos.... Hindi ako selosa..."

"Talaga!" kiniliti niya ang dalaga sa tagiliran at bigla siyang napasigaw.

"Noah, tigilan mo ako. Ano ba? Isa..." Noon lang niya narinig na humalakhak si Donna. Tuwang tuwa si Noah sa kanya.

Nakahinga ng maluwag ang ina ng marinig ang usapan ng dalawa.

Mukhang hindi na sila mag-aaway pero patuloy pa rin nilang sinisikil ang kanilang mga nararamdaman para sa isa't isa.

Hinila ni Noah ang dalaga at napayakap si Donna sa kanya.

"Donna, mahal na kita..."

"Noah..."

"Narinig mo ba ang sinabi ko... Mahal na kita"

"Hindi mo dapat maramdaman yan... Kasama pa ba yan sa pagpapanggap natin?"

"Hindi ka nagpapanggap , alam ko..."

"Magpahinga ka na. Pupuntahan ko pa si Lola Natalia."

"Ikaw ang magpahinga. Pagod ka na sa school. Nagpunta ka pa sa opisina at dalawa pa kaming inaasikaso mo dito sa bahay"

"Kaya nga magpagaling ka!"

Hinalikan niyang muli si Donna ng buong pagmamahal.

Tahimik ang kuwarto ni Noah ng gabing iyon.

Hindi lumipat ng kuwarto si Donna kahit nandoon si Noah.

Study lamp na lang ni Donna ang bukas dahil nagmi-memorize pa siya.

May exam kasi sila bukas.

"Psst, uy Donna. Matulog ka na"

"Lilipat na lang ako sa kabila kung hindi ka makatulog dahil bukas pa ang ilaw"

"Dyan ka na lang... Okay lang ako."

Hindi niya namalayang nakasubsob na lang si Donna sa sobrang antok sa kanyang mesa. Nilapitan siya ni Noah.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon