3RD PERSON'S POV
May ilang beses ng muntik magpang-abot sina Donna at Lauren.
Hindi inaadya ng pagkakataon na magkaharap ang dalawa.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay matatakasan nila ang isa't isa.
Maaaring hindi pa talaga iyon ang tamang pagkakataon.
Ngunit, kailan? Saan?
Sino ang mas mabibilad sa katotohanan at kahihiyan?
Paano mapu-protektahan nina Noah at Donna ang isa't isa?
Kung dumating ang pagkakataong iyon, sino ang unang ipaglalaban ni Noah?
Si Donna?
O si Lauren?
Pagkatapos ng Car Show and Display...
"Bakit ba kanina ka pang nakasimangot?" Habang nasa loob ng kotse ang dalawa. Patungo na sila sa Silverton Hotel.
Tinititigan niya ng masama si Noah.
"Hey, what's up? Speak up... Kanina mo pa akong ginagawang tanga?"
Hanggang sa makapasok sila ng loob ng condo ay hindi pa rin umiimik ang dalaga.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Noah.
Nagulat siya sa ginawa ni Lauren.
"Ano bang problema mo? Angsakit nun a" Sabay himas sa kanyang pisngi.
"Ngayon, alam mo kung ano ang pakiramdam na maging tanga." Sigaw ni Lauren. Itinulak niya si Noah.
"Hindi kita maintindihan, diretsahin mo nga ako"
Kinuha ni Lauren ang kamay ng binata at nakita ang wedding ring nito.
"What's the meaning of this?" Iniangat ni Lauren ang kaliwang kamay ng binata. Nooon niya naintindihan ang sinasabi ng dalaga
Nagpupuyos sa galit ang dalaga.
Nagsisigaw si Lauren.
Galit na galit siya kay Noah.
"Kailan pa? Bullshit ka! Paano mo sa akin ito nagawa?"
"Let me explain..."
"Sige, magpaliwanag ka para mapaniwala mo ako" Sumigaw ulit si Lauren.
Natapos niyang makinig lalo itong nagalit at pinagsasampal ulit ang binata.
"That's unfair. What about me?" Yakap na siya ni Noah.
"Tayo pa rin naman. Pag namatay si Lola puwede naming ipawalang bisa ang kasal namin. Puwede tayong magsama. Puwede tayong magpakasal. Di ba yun ang matagal mo ng gusto?"
"Ayoko! Ayoko ng may kahati. Alam mo yan! Ang akin ay akin lang! " Sigaw ng babae.
Niyakap niya ang dalaga at nilambing ito.
Pinilit ni Lauren na tanggalin ang singsing ngunit tila kapit na kapit ito sa daliri ni Noah at hindi ito matanggal.
"Take it off! Take it off!" Sigaw ng dalaga. Nagpupuyos ito sa galit.
Si Lauren pa ang tumulong na magtanggal dito ngunit ayaw nitong matanggal.
"I don't want to see that" Iritang irita na sabi ni Lauren.
Ngunit hindi nakapalag si Lauren na muli siyang ikama ni Noah.
Mas ginalingan ni Noah ngayon para man lang makabawi siya sa nangyari ngayong araw.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...