Walang pagsidlan ng kalungkutan ang umagang iyon.
Iyon na ang pinakamalungkot sa lahat ng umagang magigisnan ng bawat miyembro ng pamilya Madrigal.
Lahat ay nagluksa sa pagkawala ni Lola Natalia.
Pagkatapos ng libing, tahimik na umuwi ang lahat.
Sabay-sabay silang kumain.
Tahimik silang kumain sa mesa.
Biglang napalingon si Donna sa kinauupuan ni Lola Natalia tuwing kakain sila ng hapunan.
Biglang tumulo ang luha nito.
"Donna..." Pinahid ni Noah ang luha ng babae.
"Sorry po, hindi ko lang talaga mapigilan ang luha ko" Hindi halos malunok ni Donna ang kanyang kinakain. Para lang itong nakabara sa kanyang lalamunan.
"Noah, samahan mo muna si Donna sa kuwarto ninyo. Magpapaakyat na lang ako ng pagkain para sa kanya. Sa tingin ko kailangan na niyang magpahinga"
"Halika na, Donna"
"Nag-aalala ako kay Donna. Masyado siyang napalapit kay Mama"
"Masuwerte si Mama..."
"Sa lahat ng scholar ni Mama, si Donna lang ang nakaisip na alagaan si Mama"
"Napakabait niyang bata"
"Naaawa tuloy ako sa kalagayan niya"
Magkatabi ang dalawa sa kama at panay ang pahid ni Donna sa kanyang luha.
"Donna, hindi pa ba ubos ang luha mo? Mukhang nakaisang galon ka na a" pagbibiro ni Noah.
"Sobra ka naman"
"Gusto mo bang kumain?"
"Hindi na..." Yumakap na lang si Donna kay Noah.
Tahimik ang buong kabahayan maging ang loob ng kuwarto nina Noah at Donna.
Mahihinang bulungan sa dilim ang maririnig at sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.
"Donna, napakasaya ko ngayon dahil katabi kita sa pagtulog"
"Ganito pala ang pakiramdam..."
"Mahal na mahal kita, Donna" Ngunit nanatiling tahimik ang dalaga.
"Hindi ka man lang ba sasagot. "
"Anong sagot ang gusto mo?"
"Yung gusto kong marinig mula sa iyo"
Hinalikan siya ni Noah at tumugon ito sa halik na iyon kaya lalong nag-init ang pakiramdam ng binata.
"Gusto kong sabihin mo pa rin sa akin"
"Noah, pagod na ako.... matulog na tayo"
Ngunit hindi kontento si Noah kinulit niya si Donna.
"Matagal ko nang gustong gawin sa iyo ito."
Gumapang ang malilikot na kamay ng binata. Nagsimula itong pumatong kay Donna.
'Noah, itigil mo ang kahibangan mo"
"Matagal na akong hibang sa iyo, Donna. Anong ibig sabihin ng bra at panty na nagkalat dito noon? May nangyari ba sa atin ng gabing umuwi akong lasing?"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...