BIG BLOW

1.4K 31 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Hindi tinantanan ng problema sina Donna at Noah.

Lalong tumindi ang mga problema para subukin ang kanilang pagsasama.

Palabas na ng unibersidad si Donna ng tanghaling iyon.

Hindi na niya tatapusin ang klase sa hapon.

Balak niyang makipagkita kay Nicco para maaga din itong makauwi.

Mahirap ng abutin uli siya ng dilim sa daan at baka iba na ang maisipang gawin ni Nicco kapag ang binata pa ang nagpumilit na maghatid sa kanya.


Sa gate...

Hinabol siya ng dalaga.


"Ate Donna!" Tawag sa kanya ng babae.


Huminto siya... Tinitigan siyang mabuti. Tumitig din si Donna.


"Ate Donna... si Becky ito... Natatandaan mo ba? ako si Becky?"

"Becky?" Ang pinsan niya at anak ng kanyang Tita Meldy at Tito Genaro.

"Ikaw nga... Hindi ako maaaring magkamali... Ate, si Becky ito. Pinsan mo"


Tinalikuran siya ni Donna at nagmamadaling umalis.


"Ate! Ate!"


Mabuti at maagap si Miguel kaya nakasakay kaagad siya at hindi siya naabutan ng dalaga.


"Ma'am, sino po yun? Tinatawag kayong Ate Donna"

"Hindi ko kilala..."

"Pero ate Donna ang tawag sa inyo"

"Miguel, huwag mong babanggitin kina Mama ang tungkol dito"

"Sige po , Ma'am"


Hindi na ipinaalam ni Donna kay Noah na magkikita sila ni Nico.

Alam niyang aawayin lang siya ng binata.

Pormal ang kanilang pagkikita.

Ilag si Nico dahil sa nagawa nito ng nagdaang gabi.

Magaling na rin ang sugat nito sa labi.


"Mabuti naman at magaling ka na"

"Donna, sorry sa nangyari."

"Huwag mo nang isipin yun."

"Bakit ka pala nakipagkita sa akin ngayon? Alam ba ni Noah"

"Hindi na niya kailangan pang malaman dahil wala naman itong kinalaman sa kanya. Gusto kong sagutin ngayon ang matagal mo nang tanong sa akin"

"Ha! Payag ka na bang magpakasal sa akin" Tuwang tuwang sabi ni Nico. Ngumiti lang si Donna at hinaplos ang pisngi ng binata.

"Niccolo, minsan lang ako ikakasal...at kay Noah lang yun" Hinugot niya ang singsing na isinuot ni Nico sa daliri niya.

"Pero hindi ninyo mahal ang isa't isa kahit sa simula pa lang"

"Kahit kailan ay hindi ko ginawang laro ang pagsagot ko ng oo harap ng altar ng ikasal ako kay Noah"

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon