Humiga saglit si Donna sa kama.
Nabasa ng luha ang kanyang hinihigaan.
"Hindi madaling lumayo sa iyo, Noah.
Hindi ko alam kong kakayanin ko ang ginagawa kong ito.
Minsan ko nang pinarusahan ang sarili ko at heto nanaman ako.
Muli kong pinarurusahan ang sarili ko dahil sa ginawa kong paglayo sa iyo."
"Mahal na kita pero hindi ko pa kayang aminin dahil hindi pa ako ganap na buo"
Pagkatapos noon ay tumayo na si Donna at muling nagbihis ng pantaloon at blouse. Kinuha ang kanyang flat shoes at ang kanyang paboritong shoulderbag.
Pagbaba niya ng condo, pumara ito ng taksi at nagpahatid sa address na ibinigay sa driver.
Ilang saglit pa ay natunton na ng taxi driver ang lugar.
Hindi siya kina Hailey tumuloy.
Habang nasa sasakyan pa lang....
"Papunta na ako doon ngayon"
"Huwag kang mag-alala. Hindi matatapos ang gulong ito hangga't hindi kami naghaharap"
"Kaya ko na"
"Just pray for me, Hailey. Everything will be fine"
"Yes, I will come and see you later"
Bumaba siya ng taxi. Muling nasulyapan ang malaking kabahayan sa loob ng isang malawak na bakuran. Maaliwalas tingnan ang bakurang napapaligiran ng rehas. Kitang kita ang looban. Berdeng berde pa rin ang damuhan. Matataas pa rin ang puno ng pino na mukhang inaalagaan pa rin sa trim ng hardinero. Malago at buhay na buhay ang mga halaman.
Pinindot ni Donna ang doorbell.
Mayroon na rin itong cctv camera sa labas.
"Sino po sila?"
"Puwede ko bang makausap si Tita Meldy at Tito Genaro?"
Automatic na nagbukas ang gate.
Sinalubong siya kaagad ni Becky.
"Ate Donna... Mama, Papa, si Ate Donna" Sigaw ng dalaga.
Nagulat ang mag-asawa.
Hindi sila makapaniwala sa nakita.
Buhay na buhay si Donna.
Ang balak niyang panunumbat ay biglang naglahong parang bula.
Malugod siyang tinanggap ng mag-asawa sa dati nilang bahay.
Luhaan ang kanyang tito at tita.
Mahigpit nilang niyakap si Donna.
Pumasok sila sa kabahayan.
Kung ano ang iniwan ni Donna ay ganoon pa rin ang ayos dito.
Wala silang binago.
Kahit ang mga chandelier, mga muwebles, mga upuang narra at mesa ay ganoon pa rin.
Walang ibinawas, wala ring idinagdag.
Naupo ang lahat sa sala.
Hawak-hawak ni Meldy ang kamay ng dalaga.
"Donna, bakit ka lumayo sa amin?"-Meldy
"Wala kaming intensyong masama sa iyo"-Genaro
"Bakit hindi ka bumalik dito?"Meldy
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...