3RD PERSON'S POV
Maaga sanang papasok si Noah ng araw na iyon.
Sa condo siya ng galing at hindi pa nila sinundo ang kambal.
Solong solo nila ni Donna ang buong kabahayan.
Inayos ni Donna ang kurbata ng asawa habang hinila ito palapit sa kanya.
Inilislis naman ni Noah ang bestida ng asawa at isinuksok sa paborito niyang lugar.
"Parang ayaw kong pumasok"
"Gusto mong makipaglaro sa akin"
"Anong gusto mo? Taguan, habulan o bahay-bahayan?"
"Bahay-bahayan na lang..."
Nagmadaling inalis ni Noah ang necktie nito.
Kinarga ang asawa at inihiga sa kama.
Madali lang niyang nahubaran si Donna dahil isang tanggalan lang ang damit nito.
Hinagilap niya ang kumot.
"Bakit ba gustong gusto mong nagtatalukbong ng kumot?"
"Nahihiya ako"
"Loka-loka, halos nakita ko na ang kabuuan mo. May hiya ka pang nalalaman"
"Ah basta..."
"Mainit sa loob..."
"Centralized ang aircon natin kaya anong sinasabi mong mainit"
"Lalo kasi akong nag-iinit kapag nakatakip tayo ng kumot"
"E di wow!"
Halos tanghalian na ng bumangon si Noah.
Pinilit na lang niya ang sarili na pumasok sa trabaho kahit bandang tanghali na.
Parang mga suso na ayaw maghiwalay ang nguso ng dalawa.
Nakayakap na animo't octopus itong si Donna.
Kapit na kapit naman na para bang tuko kung makayakap ang lalaki sa asawa.
"Donna, maaga akong uuwi. Huwag muna nating kunin ang mga bata para masolo kita"
"Nami-miss ko na sila"
"Basta, sabay natin silang kukunin sa mansion basta mamaya ha!"
Kinurot niya si Noah.
"Puro ka kapilyuhan"
Pagbaba ni Noah mula sa elevator, nakasunod na sa kanya si Rizza.
"Hi, Noah... Darling! Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin. Masyado ka naman yatang mailap"
"Anything for today..." Casual na sabi ni Noah.
"I missed you..." Yayakap sana ang dalaga ngunit nagmadali si Noah.
Nagmadali itong sumakay sa kanyang kotse.
Nakita niyang sinundan din siya ni Clarissa.
"You can't get away from me, Noah. i will get you. Hindi mo kilala ang babaeng tinatanggihan mo. I always get what i want. Including you" Sumigaw ang babae sa loob ng kotse sa sobrang gigil. Pinaharurot nito ang kanyang Black Mustang.
Magkasunod na dumating si Noah at Rizza.
"Hey, Noah. I said , I will get you"
"Not even in my dreams, Ms. Samonte"
"Walang hindi kayang kunin si Clarissa Samonte, tandaan mo yan Noah Alexander Madrigal"
"Then, get me if you can"
"Yes I will... makukuha din kita. pare-pareho lang ang kahinaan ninyong mga lalaki. Makakita lang kayo ng hita at konting buka, tinitigasan na kayo"
"You're so blunt Ms. Samonte. Wala sa hitsura mo ang nagsasalita ng mga ganyan"
"Change me, Noah. I am not the type of woman na pakiyeme. Wala akong inuurungan sa kama at ikaw ang gusto kong ikama"
"Hindi yan mangyayari...."
"Gusto ko ang mga tipo mo... Yung pakipot... Yung nagpapa-hard-to-get"
Hahalikan sana siya ng dalaga pero maagap si Noah. Alam na alam na niya ang mga taktikang ganun.
"Ms. Samonte, mali ka ng lugar na pinuntahan. Kotse ang ibinibenta namin. Hindi ligaya"
Natawa si Rizza.Lalo siyang na-challenge sa lalaki.
Iyon ang gusto niya.
Iyon ang kahinaan niya.
Hinding hindi niya uurungan si Noah.
Umalis ang babae lalo pa't alam niyang mahihirapan siyang akitin si Noah ng ganun-ganun na lang.
Umisip ito ng ibang paraan.
Isang paraan na hinding hindi niya makakalimutan.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...