Hindi nag-aksaya ng panahon sina Noah at Donna.
Sinundo nila ang mga bata sa Canada.
Sabay-sabay silang umuwi ng kanyang mga biyenan.
"Tapos na ang lahat, Mama, Papa. Uwi na po tayo"
"Hay, salamat sa Diyos!"
MANILA, Philippines....
Samantala, sa mismong bahay nina Donna tumuloy ang mag-anak.
Matagal na panahon ding walang nakatira doon at mahalaga kay Donna ang bahay na iyon.
May katiwala lang na tumitingin dito hanggang sa makabalik si Donna.
Ibinigay kay Donna ang susi ng bahay at ilang gabi ding doon natulog ang mag-asawa.
Isang umaga, hindi maganda ang pakiramdam ni Donna.
"Mommy, can we go to mall today?" Ungot ni Donita sa ina.
"Hmm, ask Daddy" Nakapikit pa si Donna. Nakatalikod si Noah sa kanya.
"Dad, can we go to mall today? Bulong ni Donita sa ama.
Nakiliti ang ama sa hininga ng anak.
"Baby, daddy is still sleepy..."
"Mommy, please..." Pakiusap ni Donovan.
"Please , Mommy.." pakiusap din ni Donita.
Tinatamad bumangon si Donna ng umagang iyon at gusto lang matulog buong maghapon.
Titingnan lang ang pagkain ngunit hindi naman kakain.
Kukuha lang ng pagkain, titikim pero kay Noah ipapaubos.
Kapag nainis, aawayin pa si Noah.
"Pinagti-tripan mo ba ako?" Sabi ni Noah habang natutulog ito at inaaway ni Donna.
"Ayaw nga kitang katabi kaya doon ka sa sopa" Tinulak ni Donna sa asawa.
"Ayoko nga sa sopa. Masakit ang katawan ko tuwing natulog ako doon"
"E dati-rati naman nakakatulog ka doon di ba?"
"Noon yun... Ano ba naman Donna? Inaantok pa ako" Napakamot ito sa ulo.
"Nababahuan kasi ako sayo. Naligo ka ba?"
"Sabay pa nga tayong naligo kagabi di ba? Halos ayaw mo ngang umalis sa bathtub. Kung hindi pa kita kinarga..."
"Sige na... doon ka na..."
"Ayoko sabi..."
Biglang naduwal si Donna kaya tumayo ito at nagtungo ng banyo.
Bago lumabas, nakita niyang nakahalukipkip si Noah sa pinto ng banyo at nakangising nakatingin kay Donna.
"Ano? " Tanong ni Donna.
"Look who's vomiting early in the morning. Trying to quarrel for no reason at all and being so irritable...Buntis ka ba?"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...