Hindi maiiwasan ang selos sa pagsasama.
Minsan, okay lang iyon.
Spice ng pagsasama ang konting selos.
Masama naman kung madalas na ang pagseselos dahil nagpapakita ito ng kawalang tiwala at ng pagdududa.
Sino nga ba ang madalas nakakaramdam ng selos? Ang babae ba o ang lalaki...
Paano ba magselos ?
Nakaupo na si Noah sa mesa ngunit umakyat ulit ito.
"Huh! Maaga po bang umalis si Donna?"
"Oo, sinundo ni Niccolo" Sabi ni Olivia.
Nawalan ng gana si Noah kaya isang subo lang ng pagkain at tumayo na siya.
"Saan ang punta mo?"
"Papasok na po sa trabaho..."
"Hindi ka pa tapos kumain"
Pero hindi na siya pinansin ng anak.
"Mukhang hindi na naman maganda ang araw ng anak mo" Sabi ni James.
"Masisisi mo ba yung tao? Tingnan mo nga naman... Last weekend, they have each other alone somewhere in this planet tapos heto na naman ang mga kontrabida" Sabi ni Olivia.
"Siguro hindi niya inasahan na mai-in-love talaga siya kay Donna. Just imagine, halos magkaiba ang mundong kinagagalawan nila.All of a sudden, parang nagtagpo sila sa gitna."
"Only because of Mama Natalia.."
"Tampo-bati, away-bati... Para silang mga batang nagliligawan pa lang"
"Noah just can't handle the situation with a young wife like Donna"
"Kunwari pa ba ito o totohanan na?"
"Papa, huwag ka ngang maingay. Baka marinig tayo ni Mama"
"It's up to Noah and Donna... Pareho man silang may sabit, they can decide to continue their relationship as husband and wife for real"
"Kawawang mga bata..."
"They can get out of their situation"
Sa opisina during their monthly meeting, nagrereport si Anthony pero wala sa sarili si Noah.
Hindi ito nakikinig at lumilipad ang isip nito kung saan-saan...
"Sir? Sir?" Kinalabit na siya ni Daniel.
"Huh? Where are we?"
"Kayo Sir? Mukhang malayo na ang narating ninyo, hindi ninyo man lang kami isinama"
"Pasensiya na... Let's have a break"
Tumayo ang lahat para mag-coffee break.
"Hey, Boss. Ano na naman ba ang problema mo?"
"Dumating kasi ang boyfriend ni Donna"
"And so..."
"Hayun, feeling dalaga ang lola. May sumusundo sa kanya tuwing umaga para ihatid siya sa school"
"At ano naman sa iyo ngayon?"
"Wala..."
"Wala pero masyado kang apektado"
"Apektado ako? Hindi a..."
"Wow, kailan ka pa naging denial king..."
"Ano ba sa tingin mo? Nagseselos na ba ako?"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...