Makalipas ang limang taon...
NOAH'S POV
Mahaba-haba na ang limang taon.
Ni wala man lang akong nasagap na balita kay Donna.
Hindi ko na inusisa si Matthew.
Alam kong magkukuwento naman siya kung gugustuhin niya.
Si Hailey ay hindi ko na rin pinuntahan, alam kong wala rin akong nakukuhang balita mula sa kanya.
Zero ang lovelife ko ng matagal na panahon.
Maging sina Mama at Papa ay tahimik sa pinagdadaanan ko.
Di ko alam kung balewala lang sa kanila pero alam ko, nag-aalala din sila sa kalagayan ko.
Maagang lumabas ng opisina si Noah ng araw na iyon.
Sa pagmamadali ay naatrasan nito ang bagong biling kotse na Mustang.
Bahagyang nayupi ang harapan nito.
Pagbaba ng may-ari...
"Naku, Miss. Hindi ko ..." Parang nautal si Noah.
Hindi siya makapaniwala sa damage na nangyari sa sasakyan.
Sa tagal niyang nagmamaneho, ngayon pa siya nagkamali at nagasgas pa ang mamahaling kotse na iyon.
Ngunit sa kabila niyon ay nakangiti ang babae.
"Mr. Madrigal..." Sabi ni Noah.
"No worries, Mr. Madrigal. Insured naman ang sasakyan ko pero para makabayad ka you can take me or date me" Iniabot sa kanya ng babae ang calling card nito.
"I'll wait, Mr. Madrigal..."
Hindi makapagsalita ang lalaki.
Mukhang lapitin talaga siya ng tukso.
Dumadami ang mga babaeng umaali-aligid sa kanya sa kabila ng pagsisikap nitong maging tapat kay Donna.
Ngumiti na lang si Noah at pumasok sa kotse.
Naunang umalis ang babae.
Matagal na panahong hindi niya pinansin ang mga babaeng tulad niya.
Wala na siyang panahon sa ganoong mga klaseng pasaring sa kanya.
Kaya na niyang paglabanan ang tukso kung tukso rin lang ang pag-uusapan.
"Heto na naman tayo. Ilang Lauren pa ba ang iiwasan ko?"
"Bakit ba napakadaming tukso sa mundo ngayon?"
"Puwede bang layuan muna ninyo ako?"
Minsan na siyang nagtagumpay.
Madami-dami pa siyang iiwasang tukso hanggang sa mapatunayan niyang si Noah at hinding hindi na maaakit ng sinuman dahil ang puso niya ay tapat na nagmamahal kay Donna.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...