NOAH'S POV
Maiksi lang ang buhay...
Kung kaya mong gawin ngayon, gawin mo na bago ka pa maubusan ng panahon at oras.
Panahon na rin para magkapatawaran....
Hindi ko iyon palalampasin.
Isang araw, nakita na lang niya ang sarili sa harap ng pintuan ng condo unit ni Lauren.
"May I come in?" May dala-dala itong bouquet ng bulaklak sa dalaga.
"O, Noah. Come in. what a surprise! Have a seat" Kinuha nito ang bulaklak. Nandoon ang ningning sa mga mata ng dalaga.
Ilang buwan din simula ng nangyari ang aksidente sa burol ni Lola Natalia ngayon lang uli nagkita ang dalawa. Iniurong ni Donna ang demanda kay Lauren at nagbayad na lang ito ng danyos sa dalaga.
"So, how are you these days?"
"Just fine. Still coping up. Missing you a lot" Tumabi ang dalaga kay Noah at muli sinubukan kung maakit niya ito.
"I did not come here just because of that. "
Nanahimik si Lauren. Hinarap siya ni Noah at kinuha ang mga kamay ng dalaga.
"Lauren, I am so sorry for what has happened between us."
"Noah, there is nothing to sorry about. Things just happened for a reason. You should know that. I know I made several mistakes and I have taken everything for granted. If not because of my pride I should have been by yourside until now"
"Lauren..."
"Yes, I loved you so much. I had never known a man as great as you. Not just great in bed but in everything. For me, Noah is still the best"
"Lauren, please forgive me..." Niyakap ni Noah si Lauren sa huling pagkakataon.
"Noah, I should have asked for your forgiveness a long time ago with Donna. I have done great damaged on your relationship and I am so sorry. Late ko nang na-realized na totoo pala talaga ang kasal ninyo."
"I made mistakes and we should always forgive"
"Thanks, Noah"
"Thanks, Lauren."
"Sana makahingi rin ako kay Donna ng tawad, personally."
"Soon...."
Biglang may nagdingdong at pumasok si Jack. Inakbayan ng binata si Lauren.
"Huh, may bisita ka pala. Kumusta Noah?"
"Okay lang. Napadaan lang ako para... alam mo na" Hindi na itinuloy ni Noah ang sasabihin.
"Honey, sinabi mo na ba kay Noah..."
"We'll tie the knot soon, Noah.You can come..."
"Thanks. Best wishes for the both of you"
"Mahal ko talaga si Lauren, pare. Pasensya ka na ha!"
"Past is past, Jack. Just be happy together"
"Happy and contented" Sagot ni Jack.
Nagkapatawaran na kami ni Lauren at ikakasal na sila ni Jack.
Heto ako, nananatiling naghihintay kay Donna.
Hindi ko pa rin tinatanggal ang singsing sa daliri ko.
Sa tuwing may babaeng umaali-aligid sa akin at nakikitang may wedding ring ako, umiiwas na sila.
May iba naman na kahit alam na may asawa ako, pinipilit pa rin ang sarili.
Pero si Donna, hinding hindi ko kailanman ipagpapalit sa kahit na kanino.
Kung kailan kami magkikita, maghihintay pa rin ako.
Kung kailan, hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...