Maagang bumalik ang mag-asawa sa Hillton Towers.
Pagbukas ng pinto ay nahulog ang isang puting sobre.
Binuksan ito kaagad ni Noah.
Nasa tabi niya si Donna at takot na takot na nakayakap sa asawa.
"NOAH or THE TWINS?.... I am waiting, Noah.... Ano ba naman ang isang gabi? Wala namang mawawala sa iyo?"
"Noah, anong gagawin natin?"
Ipinaimpake ni Noah ang damit ng mga bata kay Donna.
Nagmadaling kumilos si Noah.
Kinuha niya ang passport ng mga bata at passport ni Donna.
"Noah?"
"Umalis muna kayo ng mga bata. Bumalik muna kayo sa Amerika. Bumalik kayo dito kapag okay na ang sitwasyon."
Iniwan siya ni Noah sa loob ng kuwarto.
Tahimik lang si Donna at tinitimbang ang mga pangyayari.
Pumindot ng numero si Donna.
"Mama, hindi ko po kayang iwan si Noah nang mag-isa dito. Puwede po ba ninyong samahan ang mga bata?"
"Mama, samahan po ninyo ang mga bata papuntang Amerika. Kayo po ni Papa James." Humikbi si Donna sa kabilang linya.
"Dadalhin po namin ang gamit ng mga bata dyan ngayon"
"Ikinukuha na kami ni Noah ng plane ticket, on-line"
"Mama, ingatan po ninyo ang mga bata. Hindi po ako mapapalagay kung nandidito sila at madadamay sa mga pangyayari"
"Susunduin po namin kayo doon"
Pinindot ni Donna ang numero.
Pinahid niya ang kanyang luha bago pa siya makita ni Noah.
"Halika na. Mamayang gabi ang flight ninyo ng mga bata."
"Mag-iingat kayo doon"
"Paano ka?"
"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako makakapayag na madamay ang mga bata. Huwag mo akong alalahanin. Mag-iingat ako. Pangako, hinding hindi ako mahuhulog sa patibong ni Rizza."
Walang binitiwang salita si Donna.
Hindi niya sinabi kay Noah na hindi siya sasama.
"Wala ka nang ginawa kundi umiyak. Tama na..."
"Hindi ko mapigilan..."
"Iyakin ka talaga!"
"Halika "
"Noah...."
"Sssshhhhh! Matatagalan ulit bago ako madiligan. Magkukulong tayo ngayon bago kayo umalis ng mga bata. Mami-miss kita."
"Yung totoo, anong mami-miss mo?"
"Ito..." Hinalikan ang asawa. Halik na may pananabik.
"At ito..." Kinarga niya ang asawa.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...