Diskarte #2- Ihatid at sunduin ang dalaga .
Balak niyang ihatid si Donna. Hindi ito umiimik habang nag-aalmusal.
"Mama, aalis na po ako."
"Pa, una po ako"
"Lola Natalia, bye po"
"Ba-bye na... Una na akong pumasok..."
Mabilis na halik ang ibinigay niya kay Donna.
Bull's eye sa target.
Sapul na sapol sa labi ng dalaga kahit ganun kabilis si Noah.
Ramdam niyang nagulat si Donna.
Napahinto ito sa pagkain at nahulog pa ang kutsara't tinidor sa lapag.
"Hay naku talaga naman... Ang aga-aga..." Iling ng dalaga.
Nagtagal si Donna sa pagkain.
Kung nandyan lang naman si Noah siya nagmamadaling umalis.
Tinapos niya ang kanyang pagkain.
Dahan-dahan itong umakyat at kinuha ang gamit.
Hindi naman talaga niya kailangang magmadali tuwing umaga.
Nagulat siya ng buksan ang pinto.
Nakatayo doon si Noah at akala mo ay boyfriend na maagang naghihintay sa kanyang girlfriend para ihatid sa pagpasok nito.
NOAH'S POV
Ano bang pakialam ko kung hindi ako pansinin ni Donna?
Bakit kailangan kong magpaapekto sa kanya?
Ni minsan wala akong niligawan na sinundo ko sa bahay nila ng maaga maisabay ko lang sa pagpasok.
Mukhang kay Donna, nagmumukha talaga akong engot.
Mabilis ding kumilos si Noah.
Ayaw niyang takasan siya ni Donna. Hinila niya sa braso ang dalaga at ipinasok na kotse. hanggang sa paghahatid, kailangan pa talaga siyang pilitin.
"Ihahatid na kita"
"Bitiwan mo nga ako. Miguel.... Miguel....Ihatid mo na ako, baka ako ma-leyt"
"Ako nga sabi ang maghahatid sa'yo"
Naglakad si Donna sa bakuran palabas ng gate.
"Ako na nga ang maghahatid sa iyo"
"Huwag na..."
"Hindi puwede..." Hinila niya si Donna papasok ng kotse.
"Magseatbelt ka na" pero ayaw kumilos ni Donna.
Walang nagawa si Noah kundi ilagay ang seatbelt kay Donna.
"Huwag mo nga akong ginagalit. Sumusobra ka na ha!"
"Huh! Hindi mo naman kasi dapat pang gawin kung napipilitan ka lang"
Wala silang imikan sa loob ng kotse.
"Mamayang hapon, susunduin kita..."
"Huwag na...Kaya kong umuwi mag-isa... Kung ginagawa mo ito para patawarin kita, itigil mo na ito"
"Donna, give me a second chance"
"What for?"
"Hindi ko sinasadya ang nangyari. Nabigla lang ako"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...