DONNA'S POV
Matagal na panahong hindi kami nakalabas ni Niccolo.
Sinagot ko siya bago siya sumakay ng barko.
Hindi ako sumasama ng pakikipag-date sa kanya dahil wala na akong panahon para doon.
O talagang hindi ko lang gusto.
Iniiwasan ko ring lumabas dahil baka nga may makakilala sa akin.
Pagkatapos ng klase ni Donna, sinundo siya ni Nico.
Kumain sila sa ice cream house at naglakad-lakad sila sa park.
Ginabi na rin sila ng uwi.
Sa gate na lang hinatid ni Nico si Donna pero bago umalis ang binata, humingi ito ng good night kiss.
"Pa-kiss naman, Donna"
"Nicco, ano ba?"
Hindi iyon inaasahan ni Donna. Minsan na siyang hinalikan sa labi ni Nico at iyon ang una at huli. Hindi niya mapapayagan ang binata na muli siyang halikan lalo pa't may asawa siya.
Nagpumilit ang lalaki. Hinawakan niya sa magkabilang braso si Donna. Nagulat siya sa reaksyon ng dating kasintahan. Hindi niya iyon nagustuhan kaya lalo siyang nagpumilit. Hinawakan ni Nico si Donna sa beywang para makalapit sa kanya ang dalaga.
"Ano ba, bitiwan mo ako?"
"Donna, isang halik lang. Pagbigyan mo na ako"
"Nico, ano ba ? Ayoko ng ganitong biro"
"Bakit? Kahit halik hindi puwede?"
"Niccolo, baka may makakita sa atin. Alam nilang may asawa ako"
"Yan nga ang ayoko, paano naman ako?"
"Niccolo, bitiwan mo ako..."
"Paano ako? Matagal akong nasabik sa iyo."
"Ano ba?"
Itinulak niya ang binata.
Mabilis ang pangyayari.
Nasa di kalayuan pala si Noah at nakaparada.
Nakapatay ang ilaw nito para hindi siya makaagaw ng atensyon sa ibang homeowners.
Pinauna lang niya ang kotse ni Nico at hinintay na makapasok ang dalaga.
Nagtaka siya kumbakit angtagal ni Donna na pumasok.
Nakita na lang niya na pinipilit siya ni Nico na mahalikan ang babae.
Putok ang nguso ni Nico.
Sumadsad ito sa semento.
Nakatama ng isang suntok sa pisngi si Nico kay Noah at nagkapasa kaagad ito.
"Tama na... Noah!"
"Nico, Please..."
"Tigilan na ninyo yan!"
"Please, Nico... Go home... Please..."
"Umalis ka na, hayop ka! "
"Mas hayop ka! Tingnan mo ang ginawa mo sa girlfriend ko..."
"Huwag na huwag ko nang makikita ang pagmumukha mo dito kundi ipapupulis na kita"
"Hindi pa tayo tapos, Noah. Akin lang si Donna. Hindi ako makakapayag na mapunta siya sa iyo. Tandaan mo yan"
Hiningal si Noah. Niyakap siya ni Donna.
"Hayan, nasaktan ka tuloy. "
"Siraulo pala yung boyfriend mo na yun e"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...