3RD PERSON'S POV
Gusto ni Donna ang isang buo at masayang pamilya.
Ngayon ang katuparan ng mga pangarap na iyon.
Kaya hindi na niya ito palalampasin pa.
Nakalabas ang mga bata sa ospital at diretso sila sa mansion.
Pansamantala ay dito muna sila mananatili sa kabila ng panganib na baka sila ulit makagat ng lamok na may dengue.
Pagpasok sa bakuran ng kotse ay nakita ang mga batang nagtatampisaw sa mini-pool.
Napangiti siya. Pagbaba niya, nagtatakbo ang mga ito palapit sa kanya .
Pinupog siya ng halik nang mga ito.
"Hey, I got here first so he'll have to carry me" Sabi ng lalaki.
"No, I got here first... " Sabi ng babae na mukhang papaiyak na.
Talaga namang mukhang mag-aaway pa sila sa harap ko.
Binalingan ko ng tingin ang batang babae.
Naiiyak na ito sa pang-aapi ng kanyang kambal.
"Hey, Donovan, don't push Donita" Sabi ng nakaunipormeng babae.
Yumakap na sa kanya si Donita at inihilig ang basang ulo nito sa kanyang balikat.
Tuwid na tuwid ang itim at mahaba nitong buhok.
Si Donna ang bigla niyang naalala dahil ganoong maglambing ang dalaga sa kanya.
Yumakap si Donovan sa kanya.
Masarap sa pakiramdam na yakapin ka ng sarili mong mga anak.
Kinarga niya ang dalawa kaya tuwang tuwa ang mga ito habang papasok ng mansion .
"Wow, ambigat nila, infairness"
"Sir ibaba na lang po ninyo sila. Baka ako pagalitan ni Ma'am Donna..."
Ipinasok niya ang dalawa sa loob ng mansion.
Tumutulo pa ang buhok ng dalawa at basa na ang damit ni Noah.
Pumasok sila sa kuwarto ng ina.
Nagulat si Donna ng marinig ang ingay ng dalawang bata sa loob ng kuwarto.
Nakatingin lang ang dalawang bata sa kanilang dalawa.
"Mommy! " Sigaw ng dalawa habang papalapit sa kanya.
"Are you done with your swimming?"
"No...."
"Hey, guys. You are dripping. Why are you here? Where's yaya?"
"Did you kiss , Daddy?" Tanong ni Donna sa kambal.
Tumango ang dalawa habang ngiting ngiti sa sobrang kasiyahan.
Nilapitan nilang muli si Noah at niyakap ng maghigpit.
Nasa Amerika na si Donna ng malaman niyang nagdadalantao nasa siya.
Mukhang sila nga ni Noah ang nakatadhana para sa isa't isa.
Tinapos niya ang kursong Nursing sa ibang bansa habang ipinagbubuntis niya ang kambal.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomansaHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...