Sa loob ng opisina, halata ang aliwalas ng mukha ni Noah.
Mukhang wala na itong problema.
Pakanta-kanta ito habang nakaupo sa kanyang mesa.
Kahit abala at pagod ay nakangingiti pa rin.
"Mukhang masaya tayo ngayon, Boss a" Bati ni Anthony.
"Medyo, okay na kami ni Donna" Sagot nito.
"Mukhang nakaisa ka nanaman a"
"Panlalamang na lang ang kaya kong gawin kasi hindi naman siya payag"
"Ah, kaya pala wala ka sa sarili nitong mga nagdaang araw... Now I know... E mukhang hindi ka lang napagbigyan, Sir"
"Umayos ka nga , Anthony"
"Biro lang po, Sir"
Biglang sumakit ang sikmura niya. Hindi niya maipaliwanag ang kirot na iyon.
"Bakit Sir?"
"Angsakit ng tyan ko. Para akong sinisikmura"
"Gusto po ninyo ng hot compress"
Pinapawisan si Noah at namumutla ito.
Nagsuka ito sa sobrang sakit ng tyan.
Tinawagan kaagad ni Matthew si Donna.
"Ma'am, namimilipit po sa sakit sa tyan si Sir"
"Nagsuka po siya"
"Sige po"
Isinugod kaagad si Noah sa E.R.
Tinawagan naman kaagad ni Donna ang kanyang Mama Olivia.
"Mama, isinugod po sa hospital si Noah"
"Sumunod na lang po kayo sa St. Catherine's Hospital"
"Papunta na po ako doon"
Sa Room 249....
"Anong nangyari?"- Barbhie.
"Baka hindi na ako makapasok sa last subject natin"- Donna
"Bakit?"- Gracey
"Ipinasugod ko na si Noah sa ospital. Namimilipit daw sa sakit sa tyan"- Donna.
"Ganun ba?"- Jem
Nakauniporme pa si Donna ng sumugod ito sa hospital.
Natanggap niya ang tawag sa loob ng klase nila.
Nataranta siya ng matanggap ang tawag.
Kinabahan ito.
Nadatnan niyang namimilipit pa sa sakit ng tyan ang binata.
Suka ito ng suka.
Kalmado naman si Donna ng dinaluhan sila ng nurse.
"May allergy po ba si Sir sa gamot? "
"I'm not certain of that Miss. Ngayon lang kasi siya nahospital"
"Ano po ninyo ang pasyente?"
"Husband ko siya"
"Paki-fill up po ng info sheet na ito habang hinihintay natin si Doc"
"Sige..." Hindi mapakali si Donna habang nakikitang namimilipit sa sakit ng tyan ang asawa.
"Aaahhh! Angsakit ng tyan ko"
"Mamaya lang, nandyan na ang doctor. Tinitingnan kung may allergy ka sa mga gamot. Hintay ka lang..."
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...