Tahimik sa dining table ng umagang iyon.
"Lola, good morning... Good morning, Mama, Papa..."
Hindi nangulit si Noah ng umagang iyon.
"Lola, kain po ng kain"
"Salamat iha... "
"Hindi ka pa kumakain..." Ipinaglagay siya ni Noah ng pagkain sa plato.
"Sa school na lang po. Wala po akong ganang kumain"
"Dahil ba nandito ako?" Sabi ni Noah. Mukhang naghahamon na naman ng away.
"Kain pa po, Lola"
"Nakakatulog ka ba ng maayos?"
"Opo naman..."
"Talaga bang hindi mo ako papansinin?" Tanong ni Noah.
"Lola, last na subo na lang..." Hinawakan siya sa braso ni Noah.
Natapon ang huling subo ng matanda.
"Noah, nasa harap kayo ng pagkain..." Mahinahong sabi ng matanda. Nakasimangot din si Donna.
Huminto na si Noah. Lalo siyang nawalan ng ganang kumain.
"Ihahatid na kita..." Sabi niya sa dalaga.
"Mind your own business..."
"Donna, kanina ka pang ganyan kay Noah..."
"Sorry, Lola. Inis na inis kasi ako sa kanya. Parang kumukulo ang dugo ko sa kanya kapag nakikita ko siya"
"Baka naman pinaglilihian mo na si Noah... Magandang balita yan" Sabi ng matanda.
"Naku, si Lola. May gana pang magpatawa"
Nagkatinginan sina James at Olivia sa sinabi ng matanda.
Paglabas ng dalawa...
"Ano bang nangyayari doon sa dalawa? Parang mga aso't pusang palagi na lang nag-aaway"
"Nag-aadjust pa rin po ang dalawa sa kani-kanilang mga ugali"
"Itong si Noah, minsan ko lang nakikita dito"
"Alam naman ninyong busy si Noah"
Maagang dumating si Noah sa opisina. Sinundan siya ni Matthew.
"Kumusta na? Nagkausap na kayo ni Mam Donna"
"Galit na galit sa akin si Mama dahil sa ginawa ko kay Donna"
"Natural lang na kampihan nila si Donna"
"Gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. Naglayas siya kahapon. Kaya lang, hindi naging maganda ang lagay ni Lola ng malamang wala siya kaya ipinahanap sa akin. Sinundo ko sa bahay ng kaibigan niya"
"Sa tingin ko, yan ang malabong mangyari"
"Huh! paano mo naman nasabi?"
"Bakit Sir? Pakakawalan mo po ba talaga si Mam Donna ng ganun ganun lang"
"Mukhang isa lang naman ang solusyon sa problema ninyo?"
"Ano?" tanong ni Noah.
"Mag-aminan na kayo na mahal na ninyo ang isa't isa"
"Hindi ako kayang patawarin ni Donna"
"E ano pa't naging killer ka ng mga kolehiyala kung hindi kaya ng powers mo si Donna? Nasaan na ang matinik na Noah pagdating sa mga babae? Don't tell me, hindi mo siya kaya?" Pambubuska ni Matthew.
"Iba si Donna"
"Now, you're telling me... Iba si Donna."
"Ikaw ba Matthew, walang gagawin?" Binalingan niya ang binata na kanina pa niyang nahahalatang kinakampihan si Donna.
"Mahina ka na" Huling hirit ni Matthew atsaka ito lumabas ng opisina.
DONNA'S TEXT MESSAGE SENDING
"Ano nang ginagawa ng magaling kong asawa?"
"Hindi ba umiinom?"
"Kumain na ba ng tanghalian?"
"I'll send him lunch"
MATTHEW'S REPLY
"Para pong nagmemenopause... Iritable pa rin?"
"Hindi naman po ,Ma'am"
"Wala daw pong ganang kumain"
"Sige po... Baka po kasi gutom lang si Sir"
Nakahinga ng maluwag si Matthew.
Afterall, alam niyang may concern pa rin si Donna.
Nakikita niya kung paano makipaglaro ang dalaga kay Noah.
Natatawa siya kung paano niya maapektuhan si Noah.
Lumabas si Matthew at kinuha sa driver ang pagkaing padala ni Donna.
Inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa ni Noah.
"Huh! meroon na naman akong pagkain?"
"Baka po kasi gutom ka lang Sir kaya masyado po kayong madrama"
"Mukhang nakakahalata ako sa'yo..."
"What are friends for, Noah..."
"May kailangan ka ba?"
"Ako? May kailangan... Wala akong kailangan... Kailangan mo ng kaibigan ngayon... Nang taong makikinig at magpapayo sa iyo dahil sa problema mo"
Niyakap niya ang kaibigan.
Tinapik niya ito sa likod.
Matalik na kaibigan talaga niya si Matthew.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...